๐——๐—ข๐—Ÿ๐—˜ ๐Ÿญ๐Ÿฎ ๐—ฅ๐—— ๐—š๐—ข๐—ก๐—ญ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฆ, ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ฅ ๐—๐—ฃ๐—˜ ๐—ก๐—”๐—ก๐—š๐—จ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—˜๐— ๐—ข๐—ก๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ง๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—ฃ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—จ๐—š๐—ก๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—ข๐—ฅ ๐——๐—”๐—ฌ ๐—–๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—•๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช

You are here: Home


NEWS | 2023/05/01 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (May 1, 2023) โ€“ PINANGUNAHAN nina Department of Labor and Employment (DOLE) 12 Regional Director Joel Gonzales at Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang isang tree planting activity sa National Highway โ€“ Boundary ng Barangay Binoligan at Barangay Amas, Kidapawan City, alas-7 ng umaga sa pagdiriwang ngayong araw ng Labor Day.

Mga binhi ng pine tree (Agoho) ang itinanim ng dalawang opisyal kung saan ipinahayag ni RD Gonzales ang kanyang kasiyahan na maging bahagi sa sama-samang pagtatanim para sa proteksyon ng kapaligiran.

Sa naturang pagkakataon ay nagtanim din ang mga personnel ng Public Employment and Service Office sa pangunguna ni PESO Manager Herminia Infanta.

Mula 200-300 seedlings ang matagumpay na naitanim sa lugar, ayon sa City Environment and Natural Resources o CENRO na kasama rin sa pagtatanim ng nabanggit na mga puno at bilang lead agency ng tree planting.

Bahagi naman ito ng CANOPY 25 Project ng City Government of Kidapawan na naglalayong makapagtanim ng abot sa 2.5 milyong punong-kahoy sa mga strategic areas tulad ng Sarayan River sa Barangay Ginatilan, Watershed sa Barangay Perez, at kahabaan ng boundary ng Barangay Lanao-Barangay Amas ng lungsod at iba pang piling lugar.

Dumalo din sa aktibidad si DOLE Cotabato Senior Labor Officer Ernesto Coloso at si Acting City Administrator Janice Garcia.

Samantala, dadalo naman sa pagbubukas ng 3-day Job Fair sa City Gymnasium, alas-otso ng umaga ngayong araw si RD Gonzales bilang panauhing pandangal kung saan ibaโ€™t-ibang local and overseas companies ang mag-aalok ng trabaho sa mga jobseekers. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio