NEWS | 2023/05/02 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (May 1, 2023) โ MAHIGIT sa tatlong libong trabaho o job vacancies ang maaaring mapasukan ng mga jobseekers sa 121st Labor Day Job Fair simula ngayong araw na ito ng Mayo 1 (Labor Day) hanggang Mayo 3, 2023 o 3-day Job Fair na ginaganap sa City Gymnasium ng Kidapawan, 8AM-4PM.Ito ang masayang anunsiyo ni Department of Labor and Employment o DOLE 12 Regional Director Joel M. Gonzales, Guest of Honor sa formal opening program ng aktibidad na isa sa tatlong mga highlights ng selebrasyon ng Labor Day sa Kidapawan City.Sinabi rin ni RD Gonzales na mahigit sa 4,000 ang mga aplikante na sumailalim sa pre-registration ng job fair, batay na rin sa data mula sa Public Employment Service Office o PESO ng Kidapawan na pinamumunuan ni PESO Manager Herminia Infanta.Patunay raw ito ng mainit sa suporta ng mamamayan sa aktibidad lalo na ang mga nais magkaroon ng maayos na trabaho at gawaing angkop sa kanilang kakayahan at kapasidad.Dumalo sa pagbubukas ng 3-day job fair si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kung saan pinasalamatan niya ang DOLE, PESO at mga partner companies/agencies sa patuloy na pagtutulungan ng mga ito na maisakatuparan ang job fair para sa kapakanan ng mga jobseekers.Masaya ang alkalde sa pagdagsa ng daan-daang mga jobseekers sa pagbubukas pa lamang ng job fair ngayong umaga kung saan nagmula ang mga ito sa Kidapawan City at mga karatig-munisipyo sa Lalawigan ng Cotabato at iba bahagi ng Rehiyon 12 o SOCCSKSARGEN. Nasa 33 naman mga kumpanya (26 local at 7 overseas) ang partner ng PESO Kidapawan sa pagsasagawa ng job fair kung saan nagbukas sila ng ibaโt-ibang uri ng trabaho tulad ng supervisors, laborers, technicians, cashiers, managers, drivers, cook, nurses, engineer, foreman, customer service, sales representative, project coordinators, sales executive, marketing assistant, mechanics, electrician, welder, at marami pang iba. Nakiisa din sa aktibidad si Cotabato Governor Emmylou Talino-Mendoza at sinabing ang presensiya ng maraming establisimiyento sa lungsod ay nagbibigay ng malaking oportunidad para sa dagdag na employment at kasunod nito ay ang lalong pagsigla ng lokal na ekonomiya.Samantala, dumating din at nagbigay suporta sa programa ang ilang mga opisyal mula sa Rehiyon Dose at ito ay kinabibilangan nina Department of Trade and Industry o DTI 12 Regional Director Flora P. Gabunales, Mayor Tomando Mangudadatu ng Colombio, Sultan Kudarat, 2nd District of Cotabato Political Officer Ii Douglas Moneva bilang kinatawan ni Congressman Rudy S. Caoagdan, DOLE Cot PD Marjorie Latoja, DOLE 12 Assistant RD Arlene Bisnon na siyang pormal na nagbukas ng job fair at iba pang mga bisita.Matapos buksan ang job fair ay ginawa naman ang ceremonial release ng DOLE integrated Livelihood Program o DLIP (P28.5M) para sa ibaโt-ibang benepisyaryo sa Region 12, Tulong Panghanap-buhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD (P15.4M), at Direct Administration Project (P4M) o kabuuang P47.9M na halaga ng proyekto.Matapos nito ay sumunod ang ribbon cutting at formal opening ng dalawa pang mahahalagang bahagi ng Labor Day celebration at ito ay ang Kadiwa at Diswento Caravan.Laan ang mga ito para sa mga mamamayan upang makinabang sila sa mga murang bilihin tulad ng agricultural products, kagamitang pang-eskwela, at iba pang mahahalagang bilihin.Inaasahan namang makatutulong ng malaki ang 3-day job fair upang tumaas ang employment rate sa lungsod at ang ginawang releasing of livelihood projects dahil magsisilbing oportunidad sa mga naghahangad na mapaangat at mapaganda ang buhay sa pamamagitang ng mga programa at proyekto ng LGU at ahensiya ng pamahalaan. (CIO)