NEWS | 2023/05/15 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Mayo 13, 2023) β MAINIT na binuksan ang 2023 Inter-Department Sports Competition ng City Government of Kidapawan sa City Gymnasium nitong Huwebes, Mayo 11, 2023 alas-tres ng hapon.
Si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang pormal na nagdeklara ng pagsisimula ng laro (Declaration of Opening) na dinaluhan ng mga Department Heads/Heads of Offices at mismong mga empleyado na nakasuot na ng kani-kanilang uniporme.
βIsang magandang pagkakataon ang Inter-Department Sports Competition para sa mga empleyado ng City Government of Kidapawan para mapalakas ang sportsmanship and camaraderie ganundin ang physical and mental healthβ ayon kay Mayor Evangelista.
Inaasahan ng alkalde na sa lalo pang titibay ang samahan at paguunawaan sa pagitan ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan dahil sa aktibidad.
Sumunod naman ang Oath of Sportsmanship na pinangunahan ni Jezzalyn Mae Tagum ng Office of the City Mayor.
Matapos nito ay agad ding sinimulan ang opening game kung saan naglaban sa basketball ang Civil Security Unit (CSU) at ang Office of the City Treasurer (CTO).
Dumagundong ang city gym sa hiyawan dahil sa mahigpitang laro kung saan sa bandang huli ay nanalo ang CTO sa score na 100-92.
Samantala, 16 na mga team ang maglalaban-laban sa naturang palaro. Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Office of the City Mayor (Admin, Pag-Amuma Unit, BPLO, Barangay Affairs), Office of the Vice Mayor/Sangguniang Panlungsod, Office of the City Treasurer and City Civil Registrar, Civil Security Unit, Traffic Management and Enforcement Unit, City Disaster Risk Reduction and Management Office and City Information Office, City Hospital, Economic Enterprise Management Office and Kidapawan City Integrated Transport System, Office of the City Engineer and Office of the City Building Official.
Hindi rin naman pahuhuli ang mga team ng City Social Welfare and Development Office/City Planning and Development Office/City Cooperative Development Office/Office of the City Budget Officer, Office of the City Agriculturist and Office of the City Veterinarian, Public Employment Service Office/City Civil Registrar/Human Resource and Management Office at ang Office of the City Budget Officer/Office of the City Accountant/Office of the City Assessor.
Kabilang naman ang basketball, volleyball, badminton, chess, table tennis, at dart sa mga sports events na kanilang paglalabanan.
Mahigit tatlong taon ding natigil ang Inter-Department Sports Competition dahil sa serye ng lindol noong 2019 at pananalasa ng Covid-19 noong 2020 hanggang 2022.
Maliban sa opening day nitong May 11, 2023 ay gaganapin naman ang laro bawat araw ng Biyernes mula Mayo 12, 2023 hanggang huling linggo Ng Oktubre o unang linggo ng Nobyembre 2023 ayon Kay Ramil Deldo, Sports Coordinator/In-Charge kung saan malalaman na ang team na mamamayani. (CIO)