๐—ž๐—œ๐——๐—”๐—ฃ๐—”๐—ช๐—”๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—ก๐—”๐—ก๐—š๐—จ๐—ก๐—š๐—จ๐—ก๐—” ๐—”๐—ง ๐—ก๐—”๐—š-๐—œ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—จ๐—ข๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—” ๐—ก๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—•๐—˜๐—ก๐—ง๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—œ๐—š๐—”๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—ฃ๐—”๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—š๐—” ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐Ÿฎ๐Ÿฌ/ ๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—ข

You are here: Home


NEWS | 2023/05/15 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Mayo 15, 2023) โ€“ TANGING ang Kidapawan City ang siyang nanguna at nag-iisang Local Government Unit sa buong Pilipinas na nakapagbenta ng bigas sa mababang halaga na  P25 hanggang P20 bawat kilo, na mithiin at ipinangako ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para sa mamamayang Pilipino.

Ito ang isa sa mga nakapaloob sa ulat ni City Agriculturist Marissa Aton sa ginanap na flag-raising ceremony at employees convocation ngayong araw na ito ng Lunes, Mayo 15, 2023, kung saan ang Office of the City Agriculturist ang sponsoring department.

Sinabi ni Aton na habang ang ibang LGUโ€™s ay nagsisimula pa lamang sa pagpaplanong makapagbenta ng mababang presyo ng bigas ay sinimulan na ito sa Lungsod ng Kidapawan batay sa  kautusan ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista nito pang nakalipas na Disyembre 2022 (KDAPS Program) sa halagang P25/kilo at sa pagbubukas ng Merkado Kidapaweno ay pinababa pa ito sa P20/kilo.

Kaugnay nito, nakapagbenta na ang Office of the City Agriculturist sa abot 10,508 recipients/customers sa halagang P25 per kilo (up to 4 kilos per customer) o katumbas ng 42,032 kilos ng bigas at abot sa 4,769 recipients/customers sa halagang P20 per kilo (up to 5 kilos per customer) o katumbas ng 23,845 kilos ng bigas.

Abot ito sa kabuoang 65,877 kilos (65.877 tons) sold to customers/recipients na madaragdagan pa sa susunod na mga araw, ayon sa Office of the City Agriculturist.

Malaking tulong naman ito sa mga Kidapaweno sa harap na rin ng nagmamahalang presyo ng pangunahing bilihin kung saan ang kanilang matitipid mula sa murang bigas ay magagamit pa sa pagbili ng iba pang pangangailangan.

Samantala, iniulat din ni Aton na maliban sa mababang presyo ng bigas sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Evangelista ay patuloy ang implementasyon ng mga programa/proyektong laan para sa mga local farmers tulad ng seedlings and fertilizers distribution, fingerlings distribution, agri-marketing, farm development, pagpapalakas ng support learning site, farm tourism accreditation at iba pang ayuda..

Taglay din ng kanyang report  ang mga sumusunod – apat na farms ang na-accredited ng Agricultural Training Institute ng DA12 kung saan ang dalawa rito ay aprubado na bilang mga Farm Tourism Site, nasa 8,881 assorted seedlings ang naitanim ng mga partner farmers para sa CANOPY 25 Project, at ang patuloy na registration ng mga local farmers sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA) lalo na ngayong nagbabadya ang El Nino Phenomenon o matinding tag-init sa darating na Hulyo 2023 kayaโ€™t  hinihikayat ang mga magsasaka na magtanim ng gulay at iba pa sa kanila mismong mga bakuran.

Bilang panghuli ay nanawagan si Aton sa mga mamamayan na suportahan ang mga local farmers at fisherfolks sa pagdiriwang ngayong buwan ng Mayo, 2023 bilang Farmers and Fisherfolks Month na may temang โ€œMasaganang Agrikultura, Maunlad na Ekonomiyaโ€ at ito ay sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga lokal na produkto tulad ng gulay, prutas, isda, karne ng baka, manok, at baboy at iba pa. (CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio