NEWS | 2023/06/05 | LKRO
KIDAPAWAN CITY (Hunyo 5, 2023) β LUBOS ang kasiyahan ng mga residente ng Barangay Sibawan, Kidapawan City makaraang gawin ang groundbreaking ceremony ng road concreting project na nagkakahalaga ng P6.6M ngayong araw ng Lunes, Hunyo 5, 2023, alas-nuwebe ng umaga.
Abot sa 620 meters ang haba ng naturang road concreting project na ang pondo ay mula sa 20% Economic Development Fund o EDF ng 2023 (Resolution No.079 β Reprogrammed).
Masiglang pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang groundbreaking ceremony ng gagawing kalsada na siya namang magbibigay ng ginhawa sa mga residente at iba pang gagamit o dadaan sa lugar.
Kasama ng alkalde sa mahalagang aktibidad sina City Councilors Rosheil Gantuangco-Zoreta, Aljo Cris Dizon, Francis Palmones, Jr. at mga Department Heads ng City Government na sina Engr, Lito Hernandez (City Engineering), Engr. Jicylle Merin (Office of the Building Official), Engr. Francisco Tanaid, Jr. (Assistant CGSO), at Acting City Administrator Janice V. Garcia, pati na ang mismong mga kagawad ng Barangay Sibawan.
Una ng ipinarating ni Punong Barangay Roger Toledo ng Sibawan ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa City Government of Kidapawan at sa administrasyon ni Mayor Evangelista sa paglalagay ng mahalagang proyekto sa kanyang barangay.
Inaasahang matatapos ang konstruksyon ng nabanggit na road concreting project sa loob ng 75 araw, ayon sa Office of the City Engineer. (CIO)