KIDAPAWAN CITY (Hunyo 6, 2023) โ MAHALAGA ang paglalagay ng box culvert sa kanal upang maging maayos ang daloy at maiwasan ang overflowing o pag-apaw ng tubig.
Kaya naman isang magandang balita para sa mga residente ng Purok 1 ng Barangay Indangan sa Kidapawan City ang isinagawang groundbreaking ng box culvert project (one barrel box culvert, slope protection and PCCP) ngayong araw ng Martes, Hunyo 6, 2023, alas-siyete y media ng umaga.
Nagkakahalaga ng P2,260,219.00 ang nabanggit na proyekto na nanggaling sa Local Disaster Risk Reduction and Management Fund o LDRRMF of 2023 at tinatayang matatapos sa loob ng 90 araw, ayon kay Engr. Lito Hernandez, ang City Engineer ng Kidapawan.
Bahagi naman ito ng priority infrastructure projects ng City Government of Kidapawan para sa mga barangay tulad ng Indangan at iba pang mga lugar na nangangailangan ng makabuluhang proyektong magpapaangat ng kanilang pamumuhay.
Matatandaang bago lamang ay nagkaroon din ng groundbreaking ceremony ng mga proyekto sa iba pang mga barangay tulad ng Manongol, Perez, at Sibawan kung saan mismong si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang nanguna kasama ang mga konsehal, key personnel mula sa City Engineering, OCBO, at iba pang opisina.
Ayon kay Mayor Evangelista, ibinabalik lamang ng City Government of Kidapawan ang buwis na kanilang binabayaran sa pamamagitan ng proyekto tulad ng box culvert na lubhang mahalaga para sa Purok 1 ng Indangan.
Dapat raw ingatan ng mga residente ang proyekto sa pangunguna ni Punong Barangay Sedinio Alilian at mga barangay kagawad dahil ito ay inilaan para sa kaayusan ng barangay.
Kabilang sa pag-iingat na gagawin ay huwag silang magtapon ng basura sa kanal upang hindi bumara at hindi agad masira ang box culvert.
Sa ginanap na groundbreaking sa Indangan ay dumalo naman ang mga Konsehal ng lungsod na sina Airene Claire Pagal, Judith Navarra, Aljo Cris Dizon, Michael Earving Ablang, at Galen Ray Lonzaga na pawang nagpahayag ng kasiyahan at suporta sa barangay.
Buo din ang suporta na ibinigay ng mga Department Heads na sina Engr. Hernandez, Engr. Jicylle Merin (OCBO) at Acting City Administrator Janice V. Garcia sa naturang aktibidad. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (Hunyo 5, 2023) โ LUBOS ang kasiyahan ng mga residente ng Barangay Sibawan, Kidapawan City makaraang gawin ang groundbreaking ceremony ng road concreting project na nagkakahalaga ng P6.6M ngayong araw ng Lunes, Hunyo 5, 2023, alas-nuwebe ng umaga.
Abot sa 620 meters ang haba ng naturang road concreting project na ang pondo ay mula sa 20% Economic Development Fund o EDF ng 2023 (Resolution No.079 โ Reprogrammed).
Masiglang pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang groundbreaking ceremony ng gagawing kalsada na siya namang magbibigay ng ginhawa sa mga residente at iba pang gagamit o dadaan sa lugar.
Kasama ng alkalde sa mahalagang aktibidad sina City Councilors Rosheil Gantuangco-Zoreta, Aljo Cris Dizon, Francis Palmones, Jr. at mga Department Heads ng City Government na sina Engr, Lito Hernandez (City Engineering), Engr. Jicylle Merin (Office of the Building Official), Engr. Francisco Tanaid, Jr. (Assistant CGSO), at Acting City Administrator Janice V. Garcia, pati na ang mismong mga kagawad ng Barangay Sibawan.
Una ng ipinarating ni Punong Barangay Roger Toledo ng Sibawan ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa City Government of Kidapawan at sa administrasyon ni Mayor Evangelista sa paglalagay ng mahalagang proyekto sa kanyang barangay.
Inaasahang matatapos ang konstruksyon ng nabanggit na road concreting project sa loob ng 75 araw, ayon sa Office of the City Engineer. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (Hunyo 5, 2023) โ INIHAYAG ng Business Permit and Licensing Office o BPLO ang kanilang accomplishment report o mga nagawa mula Enero hanggang Mayo 2023 sa flag raising ceremony at employee convocation na ginanap alas-otso ng umaga ngayong araw ng Lunes.
Sa pangunguna ni BPLO Head Lope B. Quimco ay nakapag-issue ng abot sa 4,760 Business Permits ang naturang tanggapan kung saan 4,122 ay renewals o mga existing businesses at 638 ay mga new business holders o bagong bukas na negosyo.
Matatandaang naging matagumpay ang Electronic Business One-Stop-Shop o E-BOSS na isinagawa ng City Government of Kidapawan sa pangunguna ng BPLO kasama ang iba pang tanggapan ng City Government at mga national line agencies.
Tungkulin ng BPLO na bigyan ng kaukulang business permits and licenses ang mga negosyo sa lungsod maging ito man ang ay existing business o new business basta kumpleto at aprubado ang lahat ng requirements sa pagkuha ng nabanggit na mga dokumento.
Maliban rito ay na nakapag-proseso din ang BPLO ng abot sa 3.041 tricycle permits. Sa kasalukuyan ay nakikipagkoordinasyon sila sa Traffic Management and Enforcement Unit o TMEU para sa apprehension ng nalalabing 310 tricycle operators/drivers na hindi nakakuha ng kaukulang tricycle permit.
Nakapagbigay rin ng libreng serbisyo ang BPLO sa abot sa 10 barangay sa lungsod sa isinagawang Kidapawan Dad-an ug Proyekto ug Serbisyo o KDAPS kung saan hindi na kinailangan pa ng mga residente na magtungo sa ibaโt-ibang tanggapan dahil mismong ang BPLO kasama ang ibang opisina ang pumunta sa kanilang barangay.
Bahagi o kasama din ang BPLO sa itinatag na Joint Inspection Team na nagmo-monitor/nagsasagawa ng inspection sa mga business establishments na nagresulta sa 386 Notice of Violations at 251 Closure Orders. Sa naturang bilang ay abot naman sa 177 ang matagumpay na nakakuha ng Business Permit matapos makapag-comply sa lahat ng requirements na itinakda ng City Government.
Inaanyayahan ng BPLO ang publiko na bumisita sa kanilang tanggapan kung may mga inquiries o katanungan o maaari silang tumawag sa 064-577-1606 o mag-email sa [email protected]. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (Mayo 31, 2023) โ MULI na namang namahagi ng mga alagang baboy ang City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng Animal Dispersal Program na pinangangasiwaan ng Office of the City Veterinarian.
Sa pagkakataong ito, inilaan ang mga baboy para sa pagdiriwang ng mga purok fiesta o anniversary ng bawat purok kung saan maaari nila itong gamiting handa sa espesyal na okasyon o pagkakatatag ng purok.
Sampung purok ang unang nakabiyaya sa dispersal na ginanap kahapon, Mayo 30, 2023 sa Office of the City Veterinarian at ang mga ito ay kinabibilangan ng Purok 7, Brgy. Ilomavis; Purok Mangosteen, Brgy. Linangkob; Purok Talisay, Brgy. Malinan; Purok Palmera, Brgy. Amas; Purok Lawaan, Brgy Amas; Purok Ipil-Ipil, Brgy. Amas; Purok Durian, Brgy Luvimin; Purok 4, Brgy. Gayola; Purok Malunggay, Brgy. Birada, at Brgy, Poblacion.
Layon ng pamamahagi na matulungan ang mga purok na maidaos ang kanilang mahalagang araw at sama-samang makapagdiwang ang mga residentre ng hindi na gumagasto ng malaki, ayon kay Elvis Dulay, ang Head and Desk Officer ng Pag-Amuma Unit o PAU na nasa ilalim ng Office of the City Mayor.
Alinsunod daw ito sa hakbang ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista na tulungan ang mga purok na makapag-diwang ng maayos ng di na gumagasto ng malaking halaga.
Kaya naman agad na nakip[ag-ugnayan ang PAU sa Office of the City Veterinarian para maisakatuparan ang dispersal sa bawat purok (60 araw bago sumapit ang kapistahan)
Nakatakda ding mamahagi ng isang sakong bigas ang PAU para magamit ng mga purok sa mismong araw ng kanilang mga anibersaryo na muli ay isang malaking bagay para sa mga mamamayan.
Matatandaan na nitong nakalipas na mga panahon ay nagbibigay lamang ng P1,500 ang City Government of Kidapawan sa mga purok na magdiriwang ng foundation anniversaries kayaโt ganon na lamang ang tuwa ng mga lider ng purok.
Sa kabilang dako, marami ng mga maliliit o small hog raisers sa lungsod ang una ng nakinabang sa Hog Dispersal Program lalo na ang mga nag-aalaga ng baboy na sinalanta ng African Swine Fever o ASF nitong nakalipas na dalawang taon.
Nakatulong ng malaki sa kanila ang natanggap na mga baboy matapos na sumailalim sa culling ang kanilang mga alaga na naging dahilan ng pagkalugi ng kanilang negosyo.
Ngayon ay lalo pa itong makatutulong sa mga purok dahil may magagamit na sila para sa ihahanda sa okasyon o espesyal na araw ng pagkakatatag ng purok. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (Hunyo 1, 2023) โ ISINAGAWA ang Groundbreaking Ceremony ng itatayong Kidapawan City Central Fire Station sa Barangay Magsaysay, Kidapawan City ngayong araw ng Huwebes, June 1, 2023, alas-dos ng hapon.
Nanguna sa seremonya si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kasama ang matataas na opisyal ng Bureau of Fire Protection o BFP 12 na kinabibilangan nina Regional Director CSUPT. Alven Valdez, DSC; Provincial Fire Marshall SUPT. Leilani Bangelis, at CINSP. Marleap Nabor, ang Fire Marshall ng lungsod.
Abot sa 1,100 square meters ang lupang binili ng City Government of Kidapawan para pagtayuan ng bagong gusali ng BFP Kidapawan personnel at kaharap lamang nito ang Magsasay Eco-Tourism Park. Ang BFP Headquarters sa Quezon City/National Government naman ang magbibigay ng pondo para sa konstruksiyon ng 3-storey building na kinapapalooban ng reception area, control center, conference room, administrative office, multi-purpose hall at iba pa.
Ang mga nabanggit na opisyal ang nanguna sa groundbreaking na kinapapalooban ng filling and sealing of time capsule.
Si Fr. Hipolito Paracha, DCK ang nag-alay ng panalangin at blessing rites para sa time capsule at sinundan ito ng unveiling of proposed Kidapawan City Fire Station perspective at bilang pagtatapos ay ang lowering of time capsule.
Ayon kay Fire Marshall Nabor, matagal ng inaasam ng BFP Kidapawan na magkaroon ng fire station na bago, moderno at kumpleto sa pasilidad.
Kaya naman tugon raw sa kanilang dasal ang pagbibigay ng City Government of Kidapawan ng lupa bilang counterpart sa proyekto at ang pondong ilalaan ng BFP Headquarters/National Government para sa building.
Sa kanyang panig, sinabi ni Mayor Evangelista na ang itatayong gusali ay patunay na tuloy-tuloy ang pag-unlad ng Kidapawan City at makatutulong ang gusali sa pagbuo ng imahe ng lungsod bilang tunay na livable city.
โIsa itong makasaysayang hakbang tungo sa katuparan ng pangarap ng bawat Kidapaweno โ ang mamuhay ng mapayapa at walang pangambaโ, ayon sa alkalde.
Ipinahayag naman ni BFP12 RD Valdez ang taos-pusong pasasalamat kay Mayor Evangelista sa ibayong suporta para sa itatayong building ganon din kay dating City Mayor at ngayoโy 2nd District of Cotabato Board Member Joseph Evangelista na siyang unang kumilos para sa katuparan ng proyekto.
Mas tataas ang moral ng mga firefighters dahil mapapalitan na ang kanilang lumang gusali ng bago at mas malaking workplace na magbibigay ng dagdag na inspirasyon at sigasig sa BFP Kidapawan sa pagganap ng kanilang tungkulin, dagdag pa ni Valdez.
Dumalo rin sa aktibidad sina City Councilors Gallen Ray Lonzaga, Michael Earving Ablang, Punong Barangay Julio Labinghisa ng Magsaysay, Punong Barangay Arnold Sumbiling ng poblaciรณn at mga Department Heads mula sa City Government na sina Engr. Jicylle Merin ng OCBO, Redentor Real ng City Treasury, at Acting City Administrator Janice Garcia.
Sisimulan naman agad ang konstruksiyon ng 3-storey building ng BFP at inaasahang matatapos sa loob ng anim na buwan. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (Hunyo 2, 2023) โ ISA na namang makabuluhang proyektong laan para sa mga mamamayan ang nakatakdang simulan ng City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng Office of the City Engineer.
Ito ay ang 174.12-meter Barangay Manongol-Barangay Perez Road concreting project (with 4-5 meters expansion on both sides) na nagkakahalaga ng P 2,898,520.85 kung saan ay ginanap ang groundbreaking ceremony ngayon araw na ito ng Biyernes, Hunyo 2, 2023 sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista.
Mula sa 20% Economic Development Fund CY 2023 (Resolution No. 079) ang pondong ginamit para sa konstruksiyon ng nabanggit na kalsada.
Layon ng infrastructure project na magkaroon ng maayos na dadaanan at ligtas na biyahe ang mga residente lalo na ang mga local fruit and vegetables growers na nagdadala ng kanilang mga produkto sa merkado.
Isa ang pagpapatupad ng infrastructure projects sa mga prayoridad ng administrasyon ni Mayor Evangelista dahil ito raw ang susi sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng mga barangay tulad ng Manongol at Perez.
Hiniling niya sa mga mamamayan na ingatan ang proyekto dahil ito ay inilaan sa kanila at naging instrumento lamang ang alkalde sa pagpapatupad nito ay maisakatuparan.
Maliban kay Mayor Evangelista, dumalo rin sa ground breaking ang mga konsehal ng lungsod na sina Galen Ray Lonzaga, Aljo Cris Dizon, Airene Claire Pagal, Michael Earving Ablang, Judith Navarra at ABC President Morgan Melodias.
Sa hanay ng mga Department Heads ng City Government of Kidapawan ay dumalo sina City Engineer Lito Hernandez, OCBO Head Engr. Jicylle Merin, at City Administrator Janice Valdevieso Garcia.
Ipinahayag naman ng mga Punong Barangay na sina ABC President Melodias ng Manongol at Jabert Hosdista ng Perez kasama ng kanilang mga kagawad ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa mga opisyal ng LGU Kidapawan sa pangunguna ni Mayor Evangelista.
Inaasahan namang matatapos ang naturang road concreting project sa loob ng tatlong buwan. (CIO)