𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ π—˜π—©π—”π—‘π—šπ—˜π—Ÿπ—œπ—¦π—§π—” π—‘π—”π—šπ—£π—”π—”π—•π—’π—§ π—‘π—š 𝗦𝗨𝗣𝗒π—₯𝗧𝗔 𝗦𝗔 π—•π—”π—šπ—’π—‘π—š 𝗣𝗔𝗠𝗨𝗑𝗨𝗔𝗑 π—‘π—š π—žπ—œπ——π—”π—£π—”π—ͺ𝗔𝗑 π—–π—œπ—§π—¬ π—£π—’π—Ÿπ—œπ—–π—˜ π—¦π—§π—”π—§π—œπ—’π—‘

You are here: Home


NEWS | 2023/07/24 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – (July 24, 2023) NAGPA-ABOT NG suporta si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa bagong pinuno ng Kidapawan City PNP sa katauhan ni PLTCOL Dominador Liscano Palgan,Jr. sa ginanap na turn over at change of command ng pulisya sa lungsod.

Makakaasa umano ng suporta si Palgan mula sa City Government gaya ng ibinigay nito kay dating Chief of Police PLTCOL Peter Pinalgan Jr. na malilipat na sa ibang lugar matapos makompleto ang kanyang tour of duty sa Lungsod ng Kidapawan bilang hepe ng pulisya.

Magpapatuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa hanay ng pulisya ayon sa alkalde sa bagong pamunuan ng Kidapawan City Police Station sa kanyang pag welcome sa bagong hepe nito. Pinasalamatan din niya ang dating hepe sa magandang performance nito para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Kidapawan City.

SInaksihan ni Mayor Pao Evangelista ang ginanap na turn over and change of command na pinangasiwaan ni Cotabato Police Provincial Director PCOL Harold Ramos nitong umaga ng July 24, 2023 sa mismong himpilan ng KCPS. Sinabihan naman nito ang 136 na mga kasapi ng KCPS na maging mapagkumbaba at mahinahon sa lahat ng pagkakataon sa pagbibigay serbisyo sa mamamayan at iwasang maging abusado at lumabag mismo sa mga ipinatutupad na batas.

Kaugnay nito ay pinarangalan naman ni Mayor Pao si outgoing COP PLTCOL Pinalgan at iba pang mga miyembro ng City PNP sa pagkadarakip ng anim na holdaper nitong July 18, 2023.
Iginawad nito ang certificate of commendation kina PLTCOL Pinalgan at sa mga kasamahan nito sa isinagawang Convocation at Flag Raising Program ng City Government. ##(CIO/lkro)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio