Month: July 2023

You are here: Home


thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (July 12, 2023) INAASAHANG hindi na magta-trabaho subalit makakapasok na araw-araw sa paaralan ngayong susunod na school year ang may 69 na mga batang manggagawa o child laborer ng barangay Malinan, isang malayong barangay sa lungsod ng Kidapawan.

Ito ay matapos tumanggap ng tulong pangkabuhayan ang kanilang mga nanay mula sa Department of Labor and Employment o DOLE at City Government of Kidapawan.

Personal na inabot nina DOLE Cotabato Field Office OIC Head/Supervising Labor and Employment Officer Ernesto H. Coloso at Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo M Evangelista ang tsekeng naglalaman ng P480,620.00 na financial livelihood assistance sa Malinan Barangay LGU na nirepresenta ni Kapitana Gemma Pajes bilang accredited co-partner sa programa (July 10,2023).

Ito ay isa lamang sa mga programa ni Mayor Pao na naglalayong mai-angat ang kabuhayan ng mga mamamayan sa Kidapawan City katuwang ang ibaโ€™t-ibang mga ahensya ng Pamahalaan.

Identified beneficiary nito ang 57 na mga magulang ng mga child laborers na kasapi ng kanilang asosasyong nagngangalang Samahan ng mga Magulang ng Batang Manggagawa ng Brgy Malinan.

School canteen ang livelihood project na gagawin ng mga nanay sa layuning mapag-aral ang kanilang mga anak na napilitang magtrabaho kahit sa murang edad pa lamang dahil sa hirap ng buhay.

Makakatanggap ng gamit pang kusina ang mga beneficiaries ng programa na kinakailangan naman sa pagpapatakbo ng kanilang school canteen.

Hindi loan ang naturang ayuda kung kaya at hinihikayat ang mga beneficiaries na palaguin ang kanilang natanggap na tulong para maitaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak imbes na magtrabaho bilang child laborer, paliwanag pa ng pamunuan ng Public Employment Services Office o PESO ng City Government.

Ang naturang school canteen ay pinondohan sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program o DILP, dagdag pa ng PESO.##(CIO/lkro)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – ( July 10, 2023) Binigyan ng katuparan ni City Mayor Atty Pao Evangelista ang ipinangakong magbebenta ng murang bigas o Luntian Rice ang City Government of Kidapawan sa mga ibat-ibang baranggay ng lungsod.

Unang nakabiyaya nito ang Barangay Malinan at Katipunan na kung saan ay nagbenta doon (July 8, 2023) ang City Government ng tig- P20 kada kilo ng bigas sa ilalim ng pangangasiwa ng mga kawani ng Office of the City Agriculturist.

Isa ito sa mga pambihirang programa ng City Government na mismong ang LGU ang lumapit sa mga residente ng barangay upang mabigyan sila ng access sa programang murang bigas. Maala-alang sinabi ni Mayor Pao sa kanyang State of Our City Address o SOCA na bibigyan niya ng pagkakataong makabili din ng mura ngunit mataas na kalidad na bigas ang mga nasa malalayong barangay.

Maliban pa sa Luntian Rice, may ipinagbibili rin na sariwang gulay at isdang tilapia mula sa mga lokal na magsasaka at mangingisda sa aktibidad sa Malinan at Katipunan, na mga malalayong lugar mula sa sentro ng lungsod.

Sa pamamagitan ng programang nabanggit ay natutugunan ng City Government ang seguridad sa pagkain ng mamamayan habang nabibigyang din pagkakataon na magbenta at kumita ang mga lokal na magsasaka ng lungsod.

Tutulak naman sa iba pang barangay ang kahalintulad na aktibidad sa mga susunod pang mga araw o di kaya ay sa mismong pagdiriwang ng kapistahan ng barangay kung saan ay gaganapin doon ang KDAPS o Kabaranggayan Dad-an sa Serbisyo ug Programa. ##(cio)

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (July 11, 2023) MULING NAMIGAY NG tulong ang City Government of Kidapawan (July 10,2023) para sa mga senior citizens, tulad ng ambulatory assistive devices na magagamit ng mga identified senior citizens mula sa ibaโ€™t-ibang barangay ng lungsod.

Kinapapalooban ito ng 10 wheel chairs, 6 na walkers at 20 cane o baston ang binigay ni Mayor Atty Pao Evangelista para sa mga lolo at lola na benepisyaryo ng naturang programa.

Malaki ang maitutulong sa mga senior citizens ng naturang mga kagamitan para sa kanilang pagkilos maging nasa loob o labas sila ng tahanan, ayon pa sa pamunuan ng OSCA na nandoon din sa pamimigay ng mga ambulatory assistive devices.

Isinagawa ito ni Mayor Evangelista kasabay ng Convocation Program ng City Government na sinasaksihan ng lahat ng mga kawani ng City Government kasama sina OSCA Head Lorna Morales, RSW, Executive Assistant Melagrita Valdevieso, SCC Head Morita Gayotin at Brgy. Perez Senior Citizens president Dioscora Panique, at sina City Councilors Jason Roy Sibug at Judith Navarra.

Ang pamimigay ng Ambulatory Assistive device ay tugon na rin sa kahilingan ng mga senior citizens kay Mayor Pao Evangelista bilang tulong sa kanilang hinaing at sagot sa kanilang paghihirap sa paglakad at pag galaw. ##(cio)

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ ( July 10, 2023) Malugod na tinanggap ng abot sa 261 na mga TUPAD beneficiaries mula sa ibaโ€™t-ibang mga barangay ang kanilang sahod mula sa City Government. Umabot sa P7,360 ang natanggap na sweldo ng bawat beneficiary o P368 kada araw sa loob ng 20 araw na emergency employment sa ilalim ng TUPAD Program.

Nagtanim ng ibaโ€™t-ibang uri ng punongkahoy sa ilalim ng Canopy25 na programa ng City Government ang mga ito, ayon pa sa pamunuan ng Public Employment Services Office o PESO sa ginanap na distribution ng sweldo (July 10, 2023) kung saan ay magka-akibat sa programa ang Department Of Labor and Employment at City Government of Kidapawan.

Malaking tulong ang hatid ng TUPAD o ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating mga Displaced/Disadvantaged Workers hindi lamang para sa mga identified beneficiaries na kasali sa programa na magkaroon ng kabuhayan at malaki din ang ang tulong na hatid nito sa pagpo-protekta ng kalikasan. Nakapag-ambag ito sa pangkalahatang planong 2.5 Milyong bilang ng mga puno na itatanim sa ilalim ng Canopy25 Project. ##(CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (July 7, 2023) 500,000 NA BILANG NG PUNO NA ang naitanim ng City Government at ng partners nito sa ilalim ng Canopy25 na naglalayung mapreserba ang kalikasan at pagkukunan ng tubig maiinom sa lungsod ng Kidapawan.

Positibo si City Mayor Atty. Pao Evangelista na sa nabanggit na dami ng punong itinanim ng City Government at Stakeholders, hindi malalayong makakamit ang inaaasam na 2.5 MIlyong bilang ng puno na target ng Canopy25.

Nakapaloob ang ulat ng alkalde sa Serbisyo at Programa para sa Kalikasan, Disaster Resilience at Climate Change Adaptability Area of Governance sa kanyang State of Our City Address o SOCA.

Pinasalamatan ng alkalde ang lahat ng sumali sa Canopy25 gaya na lamang ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan partikular ang Department of Public Works and Highways, Metro Kidapawan Water District, Energy Development Corporation, CENRO at mga empleyado ng City Government of Kidapawan at ang pribadong sektor.

Naniniwala si Mayor Atty Pao Evangelista na kayang maabot ang minimithing 2.5 Million na bilang puno kung.patuloy na magtutulungan ang lahat para sa kabutihan at kaligtasan ng susunod na henerasyon ng mamamayang Kidapawenyo.

Kapag nakamit ito, tiyak na maitataguyod ang supply ng tubig maiinom, may tahanan ang iba’t ibang nilalang sa kagubatan at ligtas sa epekto ng climate change ang henerasyon sa hinaharap, paliwanag pa ni Mayor Pao Evangelista.##(cio)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – ( July 7, 2023) UMABOT SA mahigit P10 Million Gross Sales o kabuo-an ang kinita at direktang napunta sa mga lokal na magsasaka, mangingisda at mga nagtitinda sa Merkado Kidapawenyo mula buwan ng Marso hanggang sa kasalukuyan.

Inihayag ni City Mayor Atty. Pao Evangelista na bahagi ng area of governance na nakapaloob sa suporta sa mga magsasaka, mangingisda at maliliit na negosyo sa kanyang State of Our City Address o SOCA ang naturang development.

Umani ng positibong reaksyon mula sa publiko ang Merkado Kidapawenyo patunay sa mataas na gradong nakuha ng City Government mula sa pagpapatupad ng programa.

Layunin ng Merkado Kidapawenyo na matulungan ang mga maliliit na magsasaka, mangingisda at negosyante na magbenta ng kanilang produkto kada araw ng Sabado sa kahabaan ng National Highway sa bisinidad ng City Plaza.

Laging dinadagsa ng mga mamimili ng preskong pagkain gaya ng sariwang gulay, prutas, bigas at isda sa Merkado Kidapawenyo dahil bukod pa sa mataas ang kalidad, ay mas mura pa ang halaga ng mga bilihing tampok dito.

Sa halos tatlong buwan na pagsasagawa ng Merkado Kidapawenyo kada araw ng Sabado at sa laki ng kinita ng mga magsasaka, mangingisda at vendors dito, hindi malayong mararating o malalagpasan ang target ng City Government na P20 Million kada taon mula sa matagumpay na pagpapatupad ng programa, pahayag pa ni Mayor Pao Evangelista. ##(cio)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (July 5, 2023) MAS MAPAPABILIS na ang pagluluwas ng mga produkto ng mga magsasaka ng Purok Durian ng Brgy. Malinan papunta ng merkado matapos isinagawa ang Ground Breaking ceremony para sa road concreting project at reinforced concrete pipe culvert installation with headwall sa lugar.Malaking tulong ito sa kanila, ayon pa kay Malinan Barangay Chair Gemma Pajes dahil aniya, matutugunan na nito ang kanilang hinaing hinggil sa hindi na maayos na daan. Makikinabang dito lalo na ang mga magsasaka sa lugar upang maibenta ang kanilang produkto palabas ng barangay Malinan.Nagkakahalaga ang nasabing proyekto ng abot sa Php 8, 820, 871.00 na nagmula sa 20% Economic Development Fund ng City Government.Sa kanya namang panig, sinabi ni City Mayor Atty Pao Evangelista na sa pamamagitan ng proyekto ito ay inaasahan na mas mapapabilis na ang kalakalan at pagpasok ng kaunlaran sa lugar.Dagdag pa ng alkalde na magpapatupad pa ng iba pang mga proyekto na naglalayung paunlarin ang pamumuhay ng mga residente ng Barangay Malinan.Dumalo sa naturang groundbreaking ceremony sina City Councilors Aljo Cris Dizon, Michael Ablang, at Jason Roy Sibug, Barangay council members ng Malinan at mga department managers ng City LGU.##(cio)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (July 5, 2023) MATUTUGUNAN na ang kahilingan ng mga residente sa dalawang purok ng Barangay Paco at Balindog na magkaroon ng serbisyong patubig matapos ang isinagawang groundbreaking ng proyektong Ground Water Source Development Project.

Malaki ang benepisyong hatid ng proyekto para mabigyan ng tubig ang mga residente ng Purok Rambutan ng Paco at Purok 2 ng Balindog , ayon pa kay City Mayor Atty Pao Evangelista .

Resulta ng partnership sa pagitan ng City Government of Kidapawan at Metro Kidapawan Water District na kamakailan lang ay pumasok sa isang kasunduan o Memorandum of Agreement na palaguin o idevelop ang mga ground water sources sa lungsod.

Pasasalamat naman ang ipinapaabot ng mga residente sa pamamagitan nina Balindog Chair Angelo Saniel at Paco Chair Edgarlito Elardo sa City Government at MKWD sa pagtugon sa kahilingang magkaroon ng serbisyong patubig ang ilan sa kanilang mga komunidad.

Naisakatuparan ang proyekto mula sa ginawang donation nina Apolinario Pantaleon ng Paco at Jerome at Haydee Amanzio ng Balindog ng kanilang lupa para paglagakan ng proyektong ground water source development.

Nagkakahalaga ng mahigit sa tatlong milyong piso ang bawat proyektong nabanggit na pinondohan ng 20% Economic Development Fund ng City Government.

Maliban kay Mayor Pao Evangelista, dumalo din sa aktibidad sina MKWD General Manager Stella Gonzales, City Councilors Jason Roy Sibug, Mike Ablang at Aljo Cris Dizon, mga barangay officials ng Paco at Balindog, at mga department managers ng City Government of Kidapawan.

Ginanap ang Ground Water Sources Development Project groundbreaking at ceremonial laying of time capsule umaga ng July 5, 2023.##(cio)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (July 4, 2023) PORMAL NG IBINIGAY NG Office of the Civil Defense ang bagong Regional Evacuation Center (REC) facility sa City Government of Kidapawan.

Mismong si OCD XII Regional Director Gen. Raylindo Aniลˆon ang nagbigay ng REC kay Kidapawan City Mayor Atty. Pao Evangelista sa Turn-Over Ceremony ng pasilidad ngayong araw ng Martes, July 4, 2023.

Nagkakahalaga ng abot sa P36 Million ang naturang pasilidad na inaasahang magbibigay ng maayos, malinis, ligtas at kapaki-pakinabang na masisilungan ng mga biktima ng kalamidad sa lungsod.

May sarili ng linya ng tubig at kuryente, palikuran, multi purpose covered court at bakod ang REC na matatagpuan sa lupang pag-aari ng City Government sa Barangay Sudapin Kidapawan City.

Naatasan namang magpatayo ng REC ang Department of Public Works and Highways o DPWH.

Sinimulang ipatupad ang proyekto taong 2020 sa panahon ni dating City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd Legislative District Senior Board Member Joseph Evangelista matapos ang mga malalakas na paglindol na nangyari sa lungsod at karatig lugar buwan ng Oktubre 2019.

Maliban kina Mayor Atty Pao Evangelista at OCD XII Regional Director Aniลˆon, dumalo din sa okasyon sina Atty. Jerano Paulo Pulido na siyang kinatawan ni DPWH XII Regional Director Bashir Ibrahim, Sudapin Brgy Chair John Carl Sibug at kanyang konseho, City Councilors Mike Ablang, Judith Navarra, at Galen Ray Lonzaga, mga department heads ng City Government at mga kawani ng CDRRMO.

Ang City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO ang siyang mangangasiwa sa pagpapatakbo ng nabanggit na pasilidad.

Ibinigay ng OCD XII ang Regional Evacuation Center kasabay ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ngayong buwan ng Hulyo.##(CMO/cio)

thumb image

KIDAPAWAN CITY ( July 3, 2023)- MALAKING PAKINABANG para sa mamamayan ng Kidapawan City pati na sa buong lalawigan ng Cotabato ang abot sa P20 Million na Department of Science and Technology o DOST Building na kasalukuyang itinatayo sa lungsod.

Pinondohan ng Tanggapan ni Cotabato 2nd District Congressman Rudy Caoagdan ang DOST building samantalang nagmula naman sa City Government of Kidapawan ang lupang pinagtayuan nito na matatagpuan malapit sa Farmers Trading Post facility ng City LGU sa barangay Magsaysay at ang Department of Public Works and Highways o DPWH naman ang naatasan na itayo ang gusali.

Maliban kina Kidapawan City Mayor Atty Pao Evangelista at Congressman Caoagdan, panauhing pandangal din sa naturang aktibidad sina DOST Undersecretary Sancho Mabborang, DOST XII Regional Director Engr. Sammy Malawan, Cotabato Governor Emmylou Taliลˆo – Mendoza, DPWH Cotabato 2nd District Engineer Eliseo Otoc, DPWH Cotabato 2nd District Engineering Office Head of Planning and Design Engr. Marilyn Versola, DOST Provincial Director Michael Mayo, Cotabato Board Members Jomar Cerebo at Ivy Dalumpines at sina Kidapawan City Councilors Rosheil Gantuangco – Zoreta, Jason Roy Sibug at Judith Navarra sa ginanap na Construction Kick Off Ceremony ng gusali kahapon, July 3, 2023. ##(CMO/cio)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio