HIGIT 1,000 NA MGA DOMESTIC ANIMAL, LIBRENG NASERBISYOHAN

You are here: Home


NEWS | 2023/10/02 | LKRO


thumb image

Kidapawan City — 682 na mga furparents ang nakinabang sa libreng ligation, castration at anti-rabies vaccination ng kanilang mga alagang hayop nitong Huwebes, September 28, 2023.

Umabot sa 1,108 na kabuoang bilang ng mga domestic animals ang nabigyan ng serbisyo kasabay ng selebrasyon ng World Rabies Day.

Layunin nito na maitaas ang kamalayan, at maisulong ang pagpapabakuna laban sa nakamamatay na rabies.

At upang matiyak ang tagumpay ng aktibidad at mas maraming kliyente ang mapaglingkuran, nakiisa din sa pagdiriwang ang mga kinatawan ng iba’t-ibang ahensya at pribadong sektor, kagaya ng Therpy’s Vet Clinic, MFC Pet Life, Toledo-Dela Cruz Animal Health, Highlands Veterinary Clinic, Office of the Provincial Veterinarian o OPVET, Veterinary Medicine Students ng USM-Kabacan, at Feed Companies ng Pilmico at Pigrolac.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio