Kidapawan City — (October 16, 2023)
Tumatanggap at nagpoproseso na ngayon ng online application sa building at occupancy permits ang Office of the Building Official (OBO) dito sa lungsod.
Ayon kay Engineer Jicylle Merin, ang Acting Building Official, kailangan lang magregister o gumawa ng account sa kanilang portal upang ma-access at madownload ang form.
Pagkatapos mafill-out at mapirmahan ng Professionals kagaya ng Electrical, Sanitary, Structural, Civil at Mechanical Engineer ang form, kailangan itong i-upload kasabay ang mga requirement na makikita rin sa portal. Maghihintay na lamang ng limang (5) araw ang aplikante para sa pagpoproseso ng mga dokumento.
Makakatanggap ng email mula sa OBO ang aplikante kapag kailangan nang magbayad sa Treasurer’s Office sa City Hall.
Para sa karagdagang impormasyon, maaring tumawag sa kanilang hotline sa 09518437677.
KIDAPAWAN CITY β (October 9, 2023) MALAKING TULONG kontra sunog ang bagong fire truck, na ibinigay ng Lokal na Pamahalaan, sa Bureau of Fire Protection o BFP sa lungsod. Itinurn-over ang bagong truck matapos ang blessing, kasabay ng flag ceremony kaninang umaga, Lunes, October 9, 2023.
Ayon kay FC/Insp. Marleap Nabor, ang City Fire Marshal, gagamitin nila ito bilang pangunahing taga responde sa mga insidente ng sunog hindi lang sa lungsod kundi pati narin sa mga kalapit na bayan.
Ang bagong Fuso Fire Truck, na binili ng LGU sa halagang, P2.1 Million mula sa Local Disaster Risk Reduction and Management Fund, ay may water capacity na 1,500 liters. Maliban sa malalaking sunog, malaki rin ang pakinabang nito sa mga insidente ng grass fires, dahil na rin sa mataas ang ground clearance ng bagong truck.
Pinasalamatan ng BFP ang Kidapawan City Government sa walang humpay na suporta nito sa programa ng kanilang departamento.
Ito na ang pang-anim sa fire truck ng City BFP sa kasalukuyan. ###(CIO/lrko)
Kidapawan City – (October 9, 2023)
Nakatakdang ayusin at pagandahin ng Lokal na Pamahalaan ang halos limang (5) ektarya na pampublikong Sementeryo sa Barangay Binoligan.
Dahil dito, inaabisuhan ang mga residente, na may mga libing ng kamag-anak sa sementeryo, na makipag-ugnayan sa mga opisina ng Economic Enterprise Management Office (EEMO) o kaya sa Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO) sa City Hall, para sa pagpapa-exhume o pagpapahukay ng mga ito upang malagyan ng tamang pangalan, bago ang paglilipat ng mga ito sa bone niches.
Ngayong October 27, 2023 nakatakdang isagawa ng City Government ang general exhumation o paghuhukay ng mga puntod at paglilipat ng mga remains ng mga sumusunod na pangalan ng mga yumao.
Kidapawan City — 682 na mga furparents ang nakinabang sa libreng ligation, castration at anti-rabies vaccination ng kanilang mga alagang hayop nitong Huwebes, September 28, 2023.
Umabot sa 1,108 na kabuoang bilang ng mga domestic animals ang nabigyan ng serbisyo kasabay ng selebrasyon ng World Rabies Day.
Layunin nito na maitaas ang kamalayan, at maisulong ang pagpapabakuna laban sa nakamamatay na rabies.
At upang matiyak ang tagumpay ng aktibidad at mas maraming kliyente ang mapaglingkuran, nakiisa din sa pagdiriwang ang mga kinatawan ng ibaβt-ibang ahensya at pribadong sektor, kagaya ng Therpyβs Vet Clinic, MFC Pet Life, Toledo-Dela Cruz Animal Health, Highlands Veterinary Clinic, Office of the Provincial Veterinarian o OPVET, Veterinary Medicine Students ng USM-Kabacan, at Feed Companies ng Pilmico at Pigrolac.