MGA KOOPERATIBA, HINIKAYAT NG ALKALDE NA MAKIISA SA FOOD SECURITY EFFORTS NG LGU

You are here: Home


NEWS | 2023/11/03 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – (October 26, 2023)
Hinikayat ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang mga kooperatiba, na patuloy na makiisa at makipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan sa mga programa at proyektong isinusulong nito lalo na tungkol sa food security, kasabay ng Cooperative Forum Culmination program kahapon sa City Gym.

Hiniling ng alkalde sa mga kooperatiba, na palawakin pa ang membership para sa mga magsasaka sa lungsod upang masiguro na may pagkaing mabibili sa murang halaga sa mga palengke dito.

Pinasalamatan din ng alkalde ang malaking naiambag ng mga kooperatiba sa Canopy25 Climate Change Mitigation Program ng City Government, kung saan nakiisa sila sa pagtatanim ng mga puno sa kagubatan at watersheds ng lungsod, bilang bahagi ng selebrasyon ng Coop Month ngayong buwan.

Kamakailan ay kinilala ng Cooperative Development Authority ang Kidapawan City Government bilang isa sa mga LGU sa bansa na aktibong nagsusulong at nagbibigay suporta sa mga kooperatiba.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio