KAUNA-UNAHANG CHESS ACADEMY SA COTABATO PROVINCE, INILUNSAD SA KIDAPAWAN

You are here: Home


NEWS | 2023/11/08 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – (November 7, 2023)
Opisyal nang binuksan ng Lokal na Pamahalaan, sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista, kasama si DepEd Kidapawan City Schools Division Sports Supervisor Eliezer Elman, at PWD Federation President Reynaldo Herrera, ang Chess Academy sa Regional Evacuation Center, Estañol Subdivision dito sa lungsod nitong Sabado, November 4.

Ito ang pinakauna sa buong probinsya, na ang layunin ay maghulma ng mga mahuhusay na manlalaro sa larong Chess hindi lamang pambansa, kundi sa pandaigdigan.

Sa kasalukuyan, mayroong 42 na mga estudyante ang Academy na binubuo ng mga mag-aaral mula sa elementarya at high school na sasailalim sa classes o sessions tuwing hapon pagkatapos ng kanilang pasok sa eskwelahan upang magsanay, sa pangangasiwa ng Rated Chess players. Ang pagsasanay ay libre sa lahat ng mga interesadong sumali.

Nagpaabot ng pinansyal na suporta ang alkalde sa Chess Academy, lalo pa’t naniniwala ito na malaking bagay ang laro upang iiwas ang atensyon ng mga bata sa gadget at mas mapagyaman ang kanilang social, strategic at intelektuwal na kapasidad.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio