KIDAPAWAN CITY โ (November 7, 2023)
Maagang dumating sa lungsod ang mga kawani ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Provincial Office, kanina para sa unang araw ng pamamahagi nila ng Social Pension para sa mahigit walong libo (8,000) na mga Indigent Senior Citizens dito.
Tatlong libong piso (P3,000) ang tatanggapin ng mga Senior Citizens, na walang Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) Pensions, para sa mga buwan ng Hulyo hanggang Disyembre ng taong ito.
Katuwang ng DSWD ang City Social Welfare and Development Office (CSWD) at City Government sa pamimigay ng social pension, na magtatapos ngayong Huwebes, November 9.
KIDAPAWAN CITY โ (November 7, 2023)
Nagtitipon ngayon dito sa City Pavilion para sa isang General Assembly ang higit apat naraang (400) Persons with Disability (PWD) sa lungsod upang pag-usapan kung papaano pa sila maaalalayan at matutulungan ng Lokal na Pamahalaan para mas maging produktibo sa buhay sa kabila ng kanilang kapansanan.
Nais din ng City Government, sa pamamagitan ng PWD Affairs Office, na matugunan ang kanilang mga hinaing at magkaroon sila ng sapat na kaalaman tungkol sa Republic Act 10070 o ang batas na nagtataguyod ng institusyonal na mekanismo upang matiyak ang pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa mga PWD sa bawat probinsya, lungsod, at bayan sa bansa.
Inaatasan din ng batas na ito ang pagtatatag ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa bawat lugar, na syang magbabalangkas at magpapatupad ng ng mga polisiya, plano, at mga programa para sa kapakanan ng mga PWD.
Dito sa lungsod, aktibo ang ang PWD Affairs Office sa pag-alalay, pagtulong at pag-organisa sa 3,334 na mga Persons with Disability, lalo na sa kabuhayan nila.
KIDAPAWAN CITY – (November 6, 2023)
Sementado na ang kalsadang nag-uugnay sa Plaridel at Tamayo streets, na bahagi ng Lapu-lapu Street sa Barangay Poblacion. Mayroon narin itong 100 metrong open canal na lagusan ng tubig o water drainage.
Itinurn-over ito ng City Government, sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, sa Barangay LGU kanina.
Ang proyekto ay magbibigay ng kaginhawaan di lang sa mga motorista, kundi lalong higit sa mga residenteng gumagamit ng kalsadang ito.
Kidapawan City – (November 6, 2023)
May mapag-iimbakan na ng mga bago at lumang suplay at kagamitan ang City LGU matapos mapabendisyonan at iturn-over sa pamamahala ng General Services Office (GSO) ang multi-purpose building na ito sa Brgy. Magsaysay kanina.
Ang gusali, na tinatayang kasingluwang ng walong container vans, ay magsisilbing storage facility para sa mga suplay at sirang kagamitan, katulad ng computer, na nakahelerang ayusin upang muling mapakinabangan ng mga empleyado ng City Hall. Sa ganun, hindi na kakailanganin pang bumili kaagad ng mga bagong gamit, kung kaya maliban sa makakatipid na ang City LGU, magagamit pa ang pundo para sa ibang mas mahalagang proyekto n
Kidapawan City — (November 3, 2023)
Sa dalawang araw (November 1 at 2) na paggunita ng Undas ngayong taon, higit tatlong libo o 3,425 na mga residente ang tumanggap ng benepisyo sa mga serbisyong handog ng lokal na pamahalaan sa apat na mga sementeryo sa lungsod.
Sa Cotabato Memorial 882 na mga residente ang nakabenepisyo sa libreng kape, lugaw, sakay, BP taking, RBS test, Dengue NS1 test, manicure at pedicure; 1,194 naman sa Catholic Cemetery; 910 sa Binoligan; at 439 sa Kalasuyan Cemetery.
Kidapawan City — (November 1, 2023)
Apat na karangalan ang iniuwi ng Lokal na Pamahalaan mula sa taonang programa ng pagkilala sa mga performing Local Government Units ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa SOCCSKSARGEN Region sa Koronadal City kahapon, October 31, 2023.
Kabilang sa 43 Outstanding LGU Implementers ng mga Programa, Proyekto, at Activities (PPA) ng DILG, ang Kidapawan City para sa taong 2023, na tumanggap ng apat na awards at pagkilala– ang Most Functional Local Project Monitoring Committees (LPMCs), Most Outstanding Peace and Order Council (POC), Most Outstanding Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Program (Hall of Famer Awardee), at Most Outstanding Sanggunian (Component Cities Category / 2nd Runner-Up).
Personal na tinanggap nina City Administrator Janice Garcia, Executive Assistant/ CPMC Member Peter Salac, DILG-CLGOO Julia Judith, CADAC Secretariat Cheryl Cawagas, at SP Secretary Blessie Cagayao, bilang mga kinatawan ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista.
KIDAPAWAN CITY โ (October 26, 2023)
Hinikayat ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang mga kooperatiba, na patuloy na makiisa at makipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan sa mga programa at proyektong isinusulong nito lalo na tungkol sa food security, kasabay ng Cooperative Forum Culmination program kahapon sa City Gym.
Hiniling ng alkalde sa mga kooperatiba, na palawakin pa ang membership para sa mga magsasaka sa lungsod upang masiguro na may pagkaing mabibili sa murang halaga sa mga palengke dito.
Pinasalamatan din ng alkalde ang malaking naiambag ng mga kooperatiba sa Canopy25 Climate Change Mitigation Program ng City Government, kung saan nakiisa sila sa pagtatanim ng mga puno sa kagubatan at watersheds ng lungsod, bilang bahagi ng selebrasyon ng Coop Month ngayong buwan.
Kamakailan ay kinilala ng Cooperative Development Authority ang Kidapawan City Government bilang isa sa mga LGU sa bansa na aktibong nagsusulong at nagbibigay suporta sa mga kooperatiba.