NEWS | 2023/12/04 | LKRO
KIDAPAWAN CITY โ (December 4, 2023)
Maagang aginaldo para ngayong pasko ang tatangaping cash ng higit dalawandaang (228) residente ng lungsod na benepisyaryo ng emergency employment ng Department of Labor and Employment (DOLE) at City Government, na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD).
Nitong Huwebes, November 30, isinailalim sa orientation at pinapirma ng kontrata ang mga benepisyaryong kinabibilangan ng mga miyembro ng IP Women Organizations mula sa Barangay Balabag, Perez, at Poblacion; Sto Nino Peoples Organization ng End Local Communist Armed Conflict (ELCAC); at mga magulang ng Child Laborers mula sa mga Barangay ng Nuangan, Sibawan at Manongol.
Sampung (10) araw na magtatrabaho ang mga benepisyaryo, kung saan magtatanim sila ng 2,000 na โBayokโ seedlings bilang bahagi naman ng Canopy25 program ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, gulay sa barangay at maglilinis sa mga pampublikong pasilidad at komunidad.
Pagkatapos ng kanilang trabaho sa December 11, ipoproseso na ang DTR ng mga benepisyaryo. Inaasahang bago magpasko matatanggap na nila ang kanilang emergency employment salary.