𝗗𝗔𝗬 𝗖𝗔π—₯π—˜ π—–π—˜π—‘π—§π—˜π—₯ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝟯𝟴 π— π—”π—š-𝗔𝗔π—₯π—”π—Ÿ 𝗦𝗔 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π—•π—”π—Ÿπ—”π—•π—”π—š, π—œπ—§π—œπ—‘π—”π—¬π—’ π—‘π—š π—Ÿπ—’π—žπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 π—£π—”π— π—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—”π—‘

You are here: Home


NEWS | 2023/12/06 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – (December 6, 2023)
May gusali nang magagamit ang higit tatlumpong (38) mag-aaral sa day care sa Purok Pag-asa, Barangay Balabag, matapos iturn-over sa kanila ng Lokal na Pamahalaan ang Child Development Center facility, kahapon, kasabay ng pagtatapos ng National Children’s Month Celebration.

Ayon kay City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, na nanguna sa paghahabilin ng pasilidad sa pamamahala ng mga opisyal sa barangay, mahalaga para sa mga bata na sa kanilang murang edad, mahikayat sila na mag-aral upang matuto kung kaya’t kailangang mabigyan ng atensyon ang edukasyon ng mga bata, lalo na yaong mga nakatira sa malalayong lugar kagaya nito, upang magkaroon sila ng maliwanag na kinabukasan pagdating ng araw.

Ang pondong ginamit sa proyekto ay nagmula sa Local Council for the Protection of Children o LCPC.

Maglalaan din ng P200,000 ang alkalde para sa pagpapapintura at pagpapalagay ng tiles sa sahig pasilidad para mas lalong kumportableng gamitin ng mga bata.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio