Month: January 2024

You are here: Home


thumb image

KIDAPAWAN CITY (January 25, 2024) – Tumanggap muli ng mahigit isandaang (118) kahon ng supply para sa Supplemental Feeding program ang City Government mula sa Regional Office XII ng Department of Social Welfare and Development o DSWD nitong January 24, 2024.

Direktang makikinabang dito ang mga day care pupils at mga bata na identified beneficiaries ng programa sa ilalim ng Special Nutrition Program o SNP ng City Government.

Kada dalawang linggo tumatanggap ng supply ng pagkain para sa mga bata ang City Government mula sa DSWD 12 simula November 2023 hanggang sa kasalukuyan.

Ilan lamang sa laman ng bawat kahon ay isang buong dressed chicken, dried dilis, preskong itlog, iba’t-ibang klase ng gulay gaya ng monggo, at iba pang masusustansyang pagkain.

Limang(5) beses isinasagawa ang supplemental feeding ng mga bata sa loob ng isang linggo na magtatagal ng 120 days para masiguro ang pagkakaroon nila ng sapat na nutrisyon upang lumaking malusog at malayo sa sakit.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (January 25, 2024) – Makikinabang at ginhawa ang hatid sa mga Indigenous People ng Purok 7, Barangay Ginatilan ang halos isang kilometrong (936 meters) road concreting project na ilalagak ng City Government sa kanilang lugar.

Pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, kasama ang mga opisyal ng barangay, Sangguniang Kabataan at tribal leaders ang Ground Breaking Ceremony ng Road Concreting, Open Canal, RCPC Installation and Slope Protection Project ngayong umaga ng Huwebes, January 25.

Ipinaabot ni Punong Barangay Nesiolin G. Malinao, Sr. ang pasasalamat ng kanyang mga constituents kay Mayor Evangelista sa pagbibigay sa kanila ng proyekto dahil napakalaking benepisyo ito sa mga residente at motorista.

Mas makabubuting ilaan na lamang sa mga road concreting projects ang pondo na pampatayo ng bagong City Hall building, dahil mas mapapakinabangan pa ito ng maraming mamamayan, wika pa ni Mayor Evangelista.

Target ng kanyang administrasyon na magpatupad ng isang daang proyektong pang-imprastraktura sa iba’t-ibang lugar sa lungsod ngayong taon.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (January 24, 2024) – Magtatagal na lang hanggang alas singko ng hapon sa araw ng Sabado, January 27 ang Business One Stop Shop (BOSS) sa loob ng City Gymnasium at Public Market. Dahil dito, pinapanawagan ng City Government ang mga negosyante na hindi pa nakapagrenew ng kanilang business permit na samantalahin ang pagkakataong ito.

Simula sa January 29, araw ng Lunes, ay babalik na sa kani-kanilang opisina ang mga nagpo-proseso ng business permits and licenses subalit magpapatuloy parin ang Business One Stop Shop sa BPLO.

Sa ngayon mahigit na sa apat na libo (4,051)(new application & renewal) ang nakapagproseso na ng kanilang business permit, ayon sa Business Permit and Licensing Office o BPLO ng City Government.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (January 24, 2024) – Bilang tugon sa hiling ng mga motorista at residente ng mga barangay ng Manongol at Perez para sa mas maayos na daan ay ipapakongreto ng City Government, partikular na sa Purok 4B hanggang Purok 2A ng Barangay Manongol at Sitio Bagong Silang patungong Sitio Embasi ng Brgy. Perez.

Pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang groundbreaking ceremony para sa Road Concreting Projects na nagkakahalaga ng mahigit dalawampung milyong piso (Php 20 Million), na may kalakip na Reinforced Concrete Pipe Culvert o RCPC Headwall, Open Canal, at Slope Protection ngayong araw ng Miyerkules, January 24.

Malugod namang tinanggap ng mga opisyales at residente ang nasabing mga proyekto, dahil mapapadali nito ang pagtransport ng kanilang mga produkto.

Inaasahan namang matatapos ang mga proyektong ito sa buwan ng Mayo at Hulyo nitong taon.

thumb image

KIDAPAWAN CITY -(January 23, 2024) SIYAMNAPUT DALAWA (92) na mga bagong Samsung Ultra High Definition TV sets na may kasamang Soundbox ang ibinigay ng City Government sa Schools Division ng Department of Education sa lungsod nitong hapon ng Martes, January 23.

Inabot ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang lahat ng 65 inches TV sets kay City Schools Division Superintendent Miguel P. Fillalan, Jr., CESO V at DepEd Kidapawan officials.

Ikinagagalak ng pamunuan ng DepEd Kidapawan ang pamimigay ng bagong telebisyon sa kanila ng City Government dahil makakatulong ang mga ito ng malaki na maintindihan pa ng mga bata ang kanilang leksyon.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (January 23, 2024) – KINILALA at binigyang insentibo ng City Government of Kidapawan ang tatlong Gagmay’ng Kristohanong Katilingban o GKK sa aktibong pakikibahagi ng mga ito sa Canopy ’25 program.

P10,000 na cash incentive ang ibinigay ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista para sa bawat GKK ng Sr. San Roque Mompeller at San Isidro Labrador ng Barangay New Bohol at GKK Immaculada Concepcion ng Barangay Sudapin bilang pagkilala sa naging mahalagang kontribusyon nila sa pangangalaga ng kalikasan at sa minimithing 2.5 milyon na dami ng punong itatanim sa lungsod sa ilalim ng Canopy ‘25.

Iba’t-ibang uri ng fruit trees ang itinanim ng GKK Sr. San Roque (1,200) at San Isidro Labrador (1,000).

Habang tatlong daang (300) mga bamboo seedlings ang itinanim naman ng GKK Immaculada Concepcion.

Itinanim ng kanilang mga kasapi ang naturang bilang ng mga puno sa kanilang mga lupain at sa iba pang lugar sa kanilang barangay.

Bahagi ito ng partnership sa pagitan ng City Government of Kidapawan at ni Bishop Jose Colin Bagaforo, D.D. ng Roman Catholic Diocese of Kidapawan na naglalayong mapangalagaan ang kalikasan at protektahan ang mga nilikha ng Panginoon.

Isinagawa ang recognition at pamimigay ng cash incentive sa mga GKK nitong January 22, araw ng Lunes sa ginanap na Convocation Program ng City Government.

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (January 23, 2024) Isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa ipapagawang 2,137 meter Road Concrete, Reinforced Concrete Pipe Culvert o RCPC at Open Canal sa boundary ng Brgy. Paco at Brgy. Balindog sa lungsod, nito lamang Martes, January 23.

Mainit na tinanggap ng mga opisyales ng lugar mula kay City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang nasabing proyekto.

Inaasahan namang matatapos ang proyekto sa buwan ng Hulyo nitong taon.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (January 23, 2024)— Nagbigay ng labing pitong (17) Sepak Takraw balls at apat (4) na net ang City Government sa Kidapawan Cotabato Sepak Takraw Club (KCSTC) kahapon ng umaga, January 22, sa ginanap na convocation program nito.

Malugod na tinanggap ni Ginoong Jessier Galvez ang Club President, kasama ang alumni at mga players nito mula kay City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang nasabing sports equipment. Ayon sa grupo ito ay magagamit nila sa kanilang pagsasanay at umaasang makakamit ang medalyang inaasam sa mga susunod na kompetisyon.

Nakipagtagisan na sila ng galing sa iba’t ibang level ng kompetisyon. Kabilang sa mga manlalaro nito ay sina Hernane Blanco Jr., Jude Cañete, Joshua Taroy, Jaydee Dorado, Jericho Pedrero, Mark Abjelina, Jhon Cabillon, Ryan Naig, Cedie Magan, at James Navales.

thumb image

KIDAPAWAN CITY ( January 23, 2024) – Inilunsad ng City Government of Kidapawan ang KK HIMSUG o ‘Kawani ng Kidapawan : Hatagan ug Igong Medikal nga Serbisyo Ug Giya sa maayong panglawas’, sa Barangay Malinan, isang napakalayong barangay ng lungsod nitong umaga ng Martes, January 23.

Layun ng programang ito ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista na maalalayan ang kalusugan ng mga opisyal ng barangay, sa pamamagitan ng libreng medical consultation at laboratory, tungo sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo publiko sa kanilang mga nasasakupan.

“Kapag malusog at hindi sakitin ang barangay official, magagampanan niya ng maayos ang kanyang tungkuling maglingkod sa mamamayan”, mensahe pa ni Mayor Pao kina Punong Barangay Gemma Pajes at mga kagawad ng Barangay Malinan.

Nanguna sa pagbibigay ng libreng konsultasyon si Dr. Kenneth Pedregoza, MD. ng Department of Health katuwang ang mga health service providers ng City Health Office.

Tutulak naman ang kanilang team sa kalapit na barangay ng Patadon at Amas upang magbigay ng kahalintulad na libreng serbisyong medical sa mga punong barangay at kagawad.

Una ng inilunsad ang KK HIMSUG sa hanay ng mga opisyal at kawani ng City Government noong 2023 para sila ay iwas sakit at makapagbigay ng maayos na serbisyo publiko sa mamamayan.

thumb image

MAPUTIK AT MADULAS NA DAAN SA MGA BARANGAY NG LUNGSOD, SINOLUSYUNAN NA

KIDAPAWAN CITY (January 22, 2024) – Pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang groundbreaking ceremony na isinagawa sa Brgy. Balabag at Brgy. Birada ng lungsod para sa implementasyon ng Road Concreting project na may kalakip na Open Canal, Reinforced Concrete Pipe Culvert o RCPC, at Slope Protection nito lamang Lunes, January 22.

Ito ay bilang tugon sa maputik at madulas na daan patungo sa katabi nitong mga barangay na inaasahan namang magagamit na sa buwan ng Hunyo.

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio