MAHIGIT 300 DUMULOG SA COMELEC KIDAPAWAN CITY SA PAGSISIMULA NG VOTER REGISTRATION

You are here: Home


NEWS | 2024/02/15 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – (February 15, 2024) MAHIGIT TATLONG DAANG (375) mga botante ang dumulog sa tanggapan ng Commission on Elections sa lungsod para makapagpatala sa gaganaping May 12, 2025 National and Local Mid Term Elections.

February 12 o araw ng Lunes na mismong 26th Charter Anniversary ng lungsod ng simulan ng Comelec ang pagpapatala ng mga bagong botante sa buong bansa.

Sa Kidapawan City, sakop ng naturang dami ng botanteng dumulog sa Comelec ay new voter registration, correction of entries, transfer of voters, at reactivation.

117 ang bilang ng mga botanteng pumunta sa Comelec nitong February 12, habang 142 noong February 13, at 116 naman sa February 14.

Kinakailangang magdala o magpakita ng alin man sa mga sumusunod na government issued Identification Card o valid ID na may kalakip niyang pirma para makapagpatala.

• National Identification (ID) card under the Philippine Identification System (PhilSys);
• Postal ID card;
• PWD ID card;
• Student’s ID card or library card, signed by the school authority;
• Senior Citizen’s ID card;
• Land Transportation Office (LTO) Driver’s License/Student Permit;
• National Bureau of Investigation (NBI) Clearance;
• Philippine Passport;
• Social Security System (SSS)/Government Service Insurance System (GSIS) or other Unified Multi-Purpose ID card;
• Integrated Bar of the Philippines (IBP) ID card;
• License issued by the Professional Regulatory Commission (PRC);
• Certificate of Confirmation issued by the National Commission on
• Indigenous Peoples (NCIP) in case of members of ICCs or IPs;
• Barangay Identification/ Certification with photo; or
• Any other government-issued valid ID.

Kasalukuyang ginagawa ang voter registration sa City Convention Center mula 8am-5pm Lunes hanggang Sabado kalakip na ang mga araw na may holidays.

Hanggang September 30, 2024 lamang ang voter registration period.

Kaugnay nito, suspendido naman pansamantala ang voter registration sa March 28, 29 at 30 para bigyang daan ang paggunita ng Mahal na Araw.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio