LGU-KIDAPAWAN, MinDA AT GO DIGITAL ASEAN PH NAGSAGAWA NG TRAINING PARA SA MGA MSMEs SA LUNGSOD

You are here: Home


NEWS | 2024/02/21 | LKRO




Kidapawan City (February 19, 2024) – Malaking suporta ang ibinibigay ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan sa pamumuno ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista para sa mga Micro, Small at Medium Enterprises O MSMEs sa lungsod.

Sila ay kabahagi ng pag-unlad ng ekonomiya at nararapat lamang na patuloy na pagyamanin at mas palawakin pa ang kanilang kaalaman.

Nagsagawa ngayong araw ng pagsasanay ang Go Digital Asean PH kaakibat ang Mindanao Development Authority o MinDA sa lungsod, na nilahokan ng aabot sa mahigit sa walumpung (82) partisipante na kinabibilangan ng mga LGU- Employees, mga negosyante at mga personahe mula sa iba pang ahensya.

Layon ng nasabing aktibidad na bigyan ng dagdag impormasyon ang bawat partisipante, lalo na ang mga maliliit na business owners sa pagpapalago ng kanilang pangkabuhayan digitally at online.

Isang hakbang din umano ito, upang mas makilala ang kanilang produkto sa modernong paraan na nakakatulong din sa kalikasan dahil hindi na gagamit pa ng ibang kagamitan para sa pag-promote nito.

Tatagal ang nasabing pagsasanay hanggang ngayong araw, February 20, 2024 sa City Convention Hall.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio