38 HOUSEHOLDS NAPALAGYAN NG KURYENTE SA ILALIM NG NTF-ELCAC SA KIDAPAWAN CITY

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2022/10/06 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 6, 2022) – MAGLILIWANAG na at makikinabang na sa serbisyo ng kuryente ang abot sa 38 na kabahayan sa Lungsod ng Kidapawan na dati ay walang koneksyon ng kuryente at hirap kung gabi dahil sa madilim na paligid.

Ang naturang bilang ng mga household ay matatagpuan sa Purok 2, Barangay New Bohol ng lungsod na pawang mga benepisyaryo ng Energization Project sa ilalim ng Local Government Support Fund-Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC)

Nanguna sa ginawang Turn-over at Ceremonial Switch-on sa Covered Court ng Barangay New Bohol alas-10 ng umaga ang mga kinatawan ng Cotabato Electric Cooperative, Inc o COTELCO, Inc at COTELCO West District Board of Director Alzen Ryan Embodo kasama si Pepito Iremedio, Sr., ang Punong Barangay ng New Bohol pati na mga kagawad.

Sa pamamagitan ng proyekto mula sa LGSF-CBDP ng NTF-ELCAC ay nabiyayaan ng libreng koneksyon ng kuryente ang naturang bilang ng mga household at nabigyan ng tugon ang matagal na nilang kahilingan na magkaroon ng kuryente.

Ipinaliwanag ng COTELCO sa mga benepisyaryo na libre ang lahat ng gastusin sa pagpapakabit ng kuryente tulad ng elect wirings, electric meter, pipes at iba pang materyales na ginamit sa connection ngunit kailangan nilang bayaran ang monthly bill kung saan sila ay ganap na miyembro na ng kooperatiba

Katuwang naman ang NTF-ELCAC ang City Government of Kidapawan sa pagpapatupad ng mga programa para sa mga barangay na may presensiya ng armadong grupo o impluwensiya ng communist terrorist group at himukin silangh mnagbalik-loog sa gobyerno.

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 70 na nilagdaan ni President Rodrigo R. Duterte noong Dec. 2018 ay inilatag at ipinatupad ang whole-of-nation approach upang tuluyang sugpuin ang armadong pakikibaka laban sa pamahalaan at pakinabangan ang tulong ng pamahalaan tungo sa pangmatagalang kapayapaan. (CIO-jscj//if)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio