40 PERSON WITH DISABILITY, SUMASAILALIM SA BEAUTY CARE LIVELIHOOD SKILLS TRAINING

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/10/24 | LKRO


thumb image

Kidapawan City – (October 20, 2023)
Apatnapung (40) Persons with Disability (PWD) mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod ang sumasailalim ngayon sa Livelihood Skills Training ng TESDA sa Senior Citizen Health and Wellness Center sa Osmeña Drive.

Sa tulong ni Amelyn Layos, instructor ng Kidapawan Technical School, tinuturuan ang mga partisipante ng Basic Beauty Care, kagaya ng manicure, pedicure at haircutting o paggugupit ng buhok.

Sa pamamagitan ng training na ito, inaasahan ng pamahalaan na mas magkakaroon pa ng kompyansa sa kanilang sarili ang mga PWD, lalo na sa pagkakaroon nila ng kaalaman para sa kanilang kabuhayan.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio