468 RICE FARMERS NAKABIYAYA NG FERTILIZER VOUCHERS MULA SA DA NATIONAL RICE PROGRAM FOR DRY SEASON 2023

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/01/23 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 23, 2023) – MAS magiging masigasig pa ngayon sa pagtatanim ang abot sa 468 magsasaka ng palay mula sa Lungsod ng Kidapawan dahil sa biyayang natanggap mula sa Department of Agriculture o DA – Fertilizer Discount Voucher sa ilalim ng Rice Program for Dry Season 2023. Sa pamamagitan ng programa, mabibigyan ng tulong ang mga magsasaka ng palay na nakaranas ng negatibong epekto ng pagbabago ng panahon lalo na sa kasagsagan ng dry season. Urea (46-0-0) ang uri ng pampataba na kanilang natanggap mula sa DA sa pakikipagtulungan ng Office of the City Agriculturist.Nakadepende sa lawak o laki ng lupang sinasaka ng isang farmer ang halaga ng fertilizer voucher na kanyang matatanggap, ayon kay City Agriculturist II Delia Roldan, ang Rice Program Coordinator ng lungsod na nangasiwa sa distribusyon kasama ang mga personnel ng City Agriculturist Office.Kung ang isang benepisyaryo ay may isang ektaryang lupaing sinasaka ay makatatanggap siya ng fertilizer voucher na P6,600 ang halaga, dagdag pa ni Roldan.Nagmula naman ang mga benepisyaryo sa mga barangay ng Amas, Binoligan, Balindog, Malinan, Gayola, Junction, Kalaisan, Katipunan, Linangkob, Macebolig, Onica, Paco, at Patadon (East), San Isidro, San Roque, Santo Nino, Sikitan, at Sumbac sa Lungsod ng Kidapawan.Ginanap ang pamamahagi ng warehouse ng Northern Agro Distributors, Barangay Poblacion, Kidapawan City kung saan nagsimula ang pila ng mga beneficiaries bandang alas-otso ng umaga ngayong araw na ito ng Lunes, Enero 23, 2023.Inaasahan namang maiibsan ang gastusin ng mga magsasaka matapos nilang tumanggap ng naturang discount vouchers at mas magiging produktibo sila pagdating ng panahon ng anihan sa tulong ng naturang ayuda, ayon kay City Agriculturist Marissa Aton.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio