Target hardening ipinag-utos ni Mayor Evangelista kasunod ang malagim na pambobomba sa Jolo

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2019/01/28 | LKRO


thumb image

PRESS RELEASE January 28, 2019 Target hardening ipinag-utos ni Mayor Evangelista kasunod ang malagim na pambobomba sa Jolo KIDAPAWAN CITY – IPINAG-UTOS na ni City Mayor Joseph Evangelista ang paghihigpit ng seguridad sa lungsod makaraan ang malagim na pambobomba sa Jolo Sulu kahapon ng umaga. Bagamat malayo sa pinangyarihan ng pambobomba, gagawing ‘hard target’ ng mga otoridad ang Kidapawan City upang maiwasan ang kahalintulad na pangyayari at masegurong ligtas ang lahat laban sa banta ng terorismo. Mahigit dalawampung mga biktima ang nasawi sa pambobomba ng mga teroristang grupo sa Mt. Carmel Cathedral sa Jolo pasado alas otso ng umaga Enero 27 sa kasagdagan ng misa sa loob ng simbahan. Bunga nito ay nakipag usap na ang alkalde sa mga security forces na naka destino sa Kidapawan City na gawing mahigpit ang pagbabantay sa mga check points papasok at palabas ng lungsod. Ganito rin sa mga matataong lugar na maaring samantalahin ng mga masasamang loob. Pinananawagan din ni Mayor Evangelista ang kooperasyon ng lahat sa mga isasagawang security checks para na rin sa kanilang kaligtasan. Mangyaring ireport agad ang presensya ng mga kahinahinalang indibidwal sa mga komunidad Hinihikayat din niya ang lahat na ipagdasal ang mga nasawi at nasugatan sa nangyaring pambobomba. Mas mainam din umano na huwag maniwala sa mga haka-haka at magpalabas ng maling impormasyon lalo na sa social media. Pinaparating din ni Mayor Evangelista na ginagawa ng mga otoridad ang lahat ng ibayong seguridad lalo pa at papalapit na ang pagdiriwang ng ika 21st City Hood Anniversary ng lungsod sa Februyary 12, 2019. ##(CIO/LKOasay)

(photo is from PRO12.ph September 20, 2016)


@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio