94% tax collection efficiency rate naitala ng City Government bago pa man matapos ang 2018

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2018/11/08 | LKRO


thumb image

93.97% NA ANG NAITATALANG Tax Collection Efficiency Rate ng City Government hindi pa man natatapos ang taong kasalukuyan.

Nakamit ang mataas na rate dahil na rin sa pagpupunyagi ni City Mayor Joseph Evangelista na makakolekta ng kinakailangang buwis at makalikom ng pondo upang maipatupad at maitaguyod ang mga programa at proyekto ng Lokal na Pamahalaan.

Naitala ang mataas na tax collection rate sa buwan pa lamang ng Setyembre, ayon na rin sa datos ng City Treasurer’s Office.

Nakamit ang 93.97% na tax collection rate sa General Collections gaya ng lamang ng permits and licenses, clearance fees and surcharges, at iba pa.

Mula sa Local Estimates na P137,000,000, nakakolekta na ng P128,738,261.53 ang City Government as of September 2018.

P79.89% naman ang naitatala sa Basic Real Property taxes as of August 2018.

Mula sa Local Estimates na P25,500,000 sa real properties, nakakolekta na ang City Government ng P20,373,133.44 mula sa bayarin ng lupa, gusali at makinarya.

103.26% naman ang nakokolekta sa ilalim ng Special Education Fund na mula sa Local Estimate na P28M ay nahigitan na ng City Government sa P28,068,835.50.

Siniseguro ni Mayor Evangelista na napupunta sa pangunahing proyekto at pamimigay ng angkop na social services ang nakokolektang buwis ng City Government. (cio/lkoasay)

Photo Caption – MATAAS NA TAX COLLECTION RATE SA 2018: Nakapagtala ng 93.97% na Efficiency Rate sa General Collection ang City Government mula Enero-Setyembre 2018. Mapupunta sa pagpapatupad ng proyekto at pagbibigay ng angkop na basic services ang buwis na kinokolekta ng City Government pagsisiguro pa ni City Mayor Joseph Evangelista.(CIO File Photo)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio