KIDAPAWAN CITY – SAPAT na ang kaalaman ng mga mag-aaral at guro ng Kidapawan City National High School kung sakaling may mangyayaring lindol at sakuna sa kanilang paaralan.
Ito ang siyang lumabas sa assessment na isinagawa ng mga otoridad sa matagumpay na 3RD Quarter National Earthquake Simulation Drill August 16, 2018.
Maayos na isinagawa ang drill sa City High ayon na rin sa post evaluation ng Office of the Civil Defense 12 na siyang pangunahing ahensyang nagsagawa ng Earthquake Drill.
Eksaktong alas dos ng hapon ng pinatunog ang sirena hudyat na kunwaring may nagaganap na lindol.
Agad nagsagawa ng �Duck, Cover and Hold� ang mga guro at estudyante sa pagsisimula ng simulated exercise sa kani-kanilang mga classrooms.
Naka linya ngunit maliksing lumabas ang may limang libong mag-aaral sa kanilang silid patungo sa open field ng City High.
Agad sumunod ang pagpatay ng sunog, paghahanap sa mga sugatan, pagbibigay ng first aid sa mga ito, at agad na pagdala patungo sa mga pagamutan gamit ang mga ambulansya ng City Call 911.
” Ginagawa natin ang earthquake drill para masukat ang kahandaan at kakayahan ng mga guro at estudyante kapag may lindol. Sa pamamagitan nito ay mapupunan at maa-ayos natin ang mga kakulangan para na rin sa kaligtasan ng lahat”, wika pa ni Ms. Jorie Mae Balmediano, Information Officer ng OCD 12.
Kaagapay ng OCD 12 sa simulated earthquake drill ang Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police, DepEd, City Government, Barangay Poblacion Officials, Philippine Red Cross, Armed Forces of the Philippines at ang Bureau of Fire Protection.(CIO/LKOasay)
KIDAPAWAN CITY – Malaking bagay na para sa IP’s ng Barangay Balabag na mapa-unlad ang kanilang pamilya sa tulong ng Pabahay Program ng Pamahalaan.
Mainit nilang ipinapabot ang pasasalamat matapos tanggapin ang mga bagong tahanan sa turn over program ng indigenous people’s village housing facility sa lugar kaninang umaga.
Hindi lamang kasi sila nabigyan ng disenteng matitirhan kungdi, ang pagkakaroon ng bahay ay hakbang upang maitaguyod nila ang maayos na pagpapalaki sa kanilang mga anak liban pa sa pagiging masaya at maunlad na pamilya sa kanilang komunidad.
25 na mga pamilyang IP’s ang nabiyayaan ng mga bagong bahay sa Sitio Mook ng Balabag na isang malayo at mabundok na barangay sa Kidapawan City.
Kanilang tinanggap ang bagong bahay mula kina City Mayor Joseph Evangelista, Congresswoman Nancy Catamco at mga opisyal ng National Housing Authority at Energy Development Corporation.
Ito ay pinagtulungang pondohan at maisakatuparan ng mga nabanggit na opisyal at ahensya ng Pamahalaan alinsunod na rin sa RA 8371 o ang Indigenous People’s Housing Act.
Itinayo ang mga bagong bahay sa lupang ibinigay ng Pamilyang Umpan na isa sa mga malalaki at kilalang pamilya sa Balabag.
Bagamat ay may dumadaloy ng tubig sa lugar, bibigyan naman ng City LGU ng solar panel at mga ilaw ang bawat tahanan upang magkaroon ng supply ng kuryete sa IP Village.
Ayon pa kay Mayor Evangelista, ang mga solar panels ay bahagi ng tulong ng bansang South Korea sa Kidapawan City bahagi ng International Urban Training Course na dinaluhan ng alkalde doon kamakailan lang.
Ang 25 na mga pabahay ay pauna lamang sa limampung low cost housing facility na itatayo ng NHA at City LGU sa naturang lugar.