Kidapawan City LGU inirekomendang muling tumanggap ng SGLG Award
KIDAPAWAN CITY – INIREKOMENDA NA MULING makatanggap ng Seal of Good Local Governance ang City Government matapos pumasa sa national evaluation noong August 14, 2019.
Nakakuha ng matataas na marka ang City LGU sa SGLG Evaluation lalo na sa mga core areas na binigyang diin ng pagsusuri na kinabibilangan ng: disaster preparedness; anti-illegal drug campaign; social services; environmental protection at utilization of public funds.
Magiging four time winner na ng SGLG ang Kidapawan City Government kapag napili ng DILG na muling tatanggap ng award.
Nauna ng naging SGLG Hall of Famer ang lungsod matapos tumanggap ng selyo noong 2016, 2017 at 2018.
Ang SGLG ay ginagawad sa mga natatanging Local Government Units ng bansa na nakapagbigay ng maayos na serbisyo publiko at nagpakita sa tapat na pamamahala at paggamit ng pondo ng pamahalaan.
Maliban sa pagtanggap ng selyo ng maayos na pamamahala, may kalakip din na Performance Challenge Fund na siyang gagamiting pondo naman ng mananalong LGU sa programa at proyekto.
Ang Kidapawan City lamang ang naging consistent na LGU sa Rehiyon 12 na pumasa at nominado sa SGLG Award mula taong 2013, pagbubunyag pa ni City Mayor Joseph Evangelista.
Kinabibilangan nina LGOO VII Mediatrix Aliño at LGOO V Hanna Lynel Elveña ng DILG Cordillera Administrative Region ang mga evaluators ng SGLG.
Kanilang sinuri ang mga dokumento patungkol sa mga nabanggit na core areas at nagsagawa din sila ng interviews sa mga department heads ng City Hall na siyang naatasan na ipatupad ang mga programa at proyekto sa ilalim ng disaster preparedness; anti-illegal drug campaign; social services; environmental protection at utilization of public funds.
Kanila ring binista ang iilang proketo at pasilidad na naipatupad na ng City Government sa ilalim ng mga nabanggit na core areas.##(cio/lkoasay)
Photo caption – Disaster Preparedness Program nakakuha ng mataas na marka sa SGLG: Ipinaliliwanag ni CDRRMO Psalmer S. Bernalte kay SGLG Evaluator LGOO V Hanna Lynel Elveña kung papaano ipinatutupad ng City Government ang mga programa nito patungkol sa paghahanda tuwing may kalamidad at pagtulong sa mga biktima nito. Isa ang mga programa ng CDRRMO na nakakuha ng mataas na marka sa nangyaring SGLG evaluation noong August 14, 2019.(cio photo)
Kidapawan City library ginawaran bilang Outstanding Regional Partner ng Bangko Sentral ng Pilipinas
KIDAPAWAN CITY – GINAWARAN NG BANGKO Sentral ng Pilipinas ang Kidapawan City Library and Information Center bilang Outstanding Regional Partner Knowledge Resource Network noong August 6, 2019.
Kinilala ng BSP ang City Library dahil na rin sa pagbibigay impormasyon sa publiko hinggil sa lagay ng ekonomiya at estadong pinasyal ng bansa sa pamamagitan ng mga reading materials at online research assistance.
Tinalo ng Kidapawan City Library ang entries mula sa Notre Dame of Dadiangas University ng General Santos City at University of Southern Mindanao ng Kabacan para mahirang na Outstanding Regional Partner ng BSP sa Region XII at BARMM.
Inabot ng BSP ang parangal sa isang simpleng seremonya sa General Santos City.
Maala-alang pumasok sa isang partnership si City Mayor Joseph Evangelista at ang pamunuan ng BSP na lagyan ng mga information at reading materials ng huli ang City Library.
February 2018 ng simulan ng City Government at BSP ang partnership nito.
Mahalaga ang partnership lalo pa at ipinaaalam ng BSP sa publiko ang kanilang operasyon at mahalagang papel na ginagampanan sa pamamahala at pagpapatakbo ng gobyerno sa kalagayang pinansyal ng bansa.
Isa pa, nagbibigay din ng impormasyon ang BSP patungkol sa lagay ng ekonomiya ng bansa sa mga mag-aaral na gumagawa ng pagsasaliksik gamit ang mga reading materials o di kaya ay internet.
Dahil dito ay hinihinayat ng City Government ang publiko na bisitahin ang BSP Section sa City Library upang tuklasin ang mahahalagang impormasyon patungkol sa ekonomiya ng bansa.
Matatagpuan ang bagong City Library katabi ng Land Transportation Office sa Osmeña Drive ng Poblacion.##(cio/lkoasay)
Photo caption – Kidapawan City library ginawaran ng BSP : ipinakita ni City Mayor Joseph Evangelista(nakaupo) at mga kawani ng City library ang tropeong napanalunan bilang Outstanding Regional Partner for Region XII at BARMM na iginawad ng bangko Sentral ng Pilipinas kamakailan lang.(cio photo)
City Comelec pinaplanong magsagawa ng Satellite Voters Registration sa mga barangay ng lungsod
KIDAPAWAN CITY – UPANG MAS MAHIKAYAT ang mga botante, magsasagawa ng Satellite Registration of Voters ang City Comelec sa mga barangay ng lungsod.
Sa pinaplanong Satellite Registration, maglilibot ang Comelec sa mga barangay upang doon nalang tumanggap ng mga bagong rehistradong botante para sa May 2020 Barangay/Sangguniang Kabataan elections.
Ito ay base na rin sa ipinalabas na proposed schedule ni City Election Officer Angelita Failano.
Isasagawa ang Satellite Registration sa mga Barangay Hall para maging accessible ang pagpapatala para sa lahat.
Ilan lamang sa mga requirement ng pinaplanong Satellite Registration: 15 taong gulang pataas para sa SK at 18 taong gulang pataas naman para maging regular voter, at anim na buwan ng naninirahan sa barangay kung saan buboto ang botante.
Pinapayuhan ang mga nagnanais na magparehistro na sumangguni sa kanilang mga opisyal kung kailan isasagawa ng Comelec ang pagpapatala para sa mga bagong botante.
August 1 hanggang September 30, 2019 ang panahon ng Voters Registration, wika pa ng Comelec.##(cio/lkoasay)
(photo is from city comelec)