Author: Dave Vibo

You are here: Home


thumb image

Abot isang libong indigent patients nabigyan ng libreng serbisyong medikal

KIDAPAWAN CITY- ABOT SA ISANG LIBONG INDIGENT Patients ang naserbisyuhan ng dalawang araw na Libreng Medical, Dental at Ophthalmology Outreach program July 23-24, 2019.

Nagmula sa apat-napung mga barangay na nauna ng na-validate ng mga local officials ang nakabenepisyo sa programa.

Nasa ikalimang taon ng ipinatutupad ng partnership nina Mayor Joseph Evangelista at ng With Love Jan ang programa na naglalayung mabigyan ng libreng ayudang medikal ang mamamayan ng Kidapawan.

Libre na ang pagpapakonsulta, pagbibigay ng gamot, dental services gaya ng pagbunot at pagpapasta ng ngipin, laboratory services at reading eyeglasses ang ibinigay ng City Government at With Love Jan.

Nanguna sa programa sina City Legal Officer Atty Jose Paolo Evangelista, na siyang kumatawan sa kanyang ama na si Mayor Evangelista, at si With Love Jan President Dr. Bernie Miguel, MD.

May iilan din na mga walk-in clients na sumali sa aktibidad.

Maliban sa mga serbisyong nabanggit, nagbigay din ng mga tips at mahahalagang impormasyon ang mga duktor at health service providers sa kung papaanong maiingatan ng mamamayan ang kanilang kalusugan ng maka-iwas na magkasakit.

Karamihan sa mga pasyenteng nabigyan ng libreng serbisyo ay nakatatanda, mga inang nagdadalantao, mga bata at maging Persons With Disabilities.

Ginawa ang libreng Medical Outreach program sa City Gymnasium.

Sinimulang ipatupad ang programa noong July 2015.

Kapartner ng City Government at With Love Jan Foundation ang mga private medical practitioners ng Kidapawan City na libreng nagbigay ng kanilang serbisyo alang alang sa mamamayan. ##(cio/lkoasay)

thumb image

Team Kidapawan City nag uwi ng medalya mula sa Mindanao Leg Muay Thai Championships

KIDAPAWAN CITY – NAGWAGI NG LIMANG GINTO, LIMANG PILAK AT APAT NA TANSONG Medalya ang mga pambato ng Kidapawan City sa Mindanao Leg Muay Thai Association of the Philippines Championships kamakailan lang.
Nasa ikalimang pwesto ang Kidapawan City mula sa labing isang Mindanao Cities na sumabak sa nasabing torneo na ginanap sa Butuan City. 
Dalawang Teams ang kumatawan sa lungsod sa nabanggit na torneo.
Kidapawan team A sa pangunguna nina coaches Sifu Ritchies Solano at Ramel Eting at AKMA Apo Kochi Ryu Martial Arts ni Coach Augustus Guhiling.
Nakipagbakbakan sila laban sa mga Muay Thai athletes ng Davao City, Gensan, Zamboanga, Butuan at iba pang malalaking lungsod ng Mindanao.
Nagwagi ng gold sina Sofrino John Pepugal, Christian Jay Boquerin, at Jhoniel Aquino ng Kidapawan team A at Jester Cangayda ng Team Apo Kochi Ryu Martial Arts Kidapawan.
Silver medalists naman sina Chris Wilfred Dellona, Felix Alfonso Bilbao, Christian Nudalo at Vince Galon ng Kidapawan team A at si Heimweir Cangayda ng AKMA.
Bronze medal winners naman sina Carl Pajes ng Kidapawan team A at sina Xiris Shane Ayob, John William Ayob at Julie Pearl Asopre ng AKMA.
Personal silang pararangalan ni City Mayor Joseph Evangelista sa July 2019 Convocation Program ng City Government ngayong linggo tanda ng kanilang matagumpay na kampanya sa prestihiyosong torneo ng Muay Thai sa Pilipinas.
Kabilang silang lahat sa One Team, One City One Goal Sports Development Program ng Kidapawan City Government at partner agencies nito.. ##
(cio/lkoasay)

thumb image

The Working City Mayor Joseph A. Evangelista, receiving a citation from the Professional Regulation Commission (PRC) as partner in delivering the agency’s services in the countryside. Mayor Evangelista was instrumental in the establishment of the PRC Sub-Office in Kidapawan that cater as far as the provinces of Bukidnon, Maguindanao and the whole North Cotabato province as well.

thumb image

Mayor Evangelista binati ang Iglesia ni Cristo sa ika 105 taong anibersaryo

KIDAPAWAN CITY – MAINIT NA PAGBATI PARA SA IKA-ISANGDAAN AT LIMANG Taong Anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo ang pinapaabot ni City Mayor Joseph Evangelista at buong City Government.

Ipagdiriwang ng lahat ng kaanib ng INC sa buong Pilipinas at sa ibang bansa ang kanilang 105th Founding Anniversary sa July 27, 2019.

Makakaasa ng ibayong suporta sa mga programa at adhikain ang Iglesia ni Cristo mula sa City Government, mensahe pa ni Mayor Evangelista.

Hangad din ng butihing alkalde na mas lalo pang lumago ang INC sa mga taong darating.

Kaugnay nito ay pasasalamat din ang ipinapaabot ng alkalde kasama ng kanyang kapwa City Officials sa INC sa malugod nitong pagsuporta sa kanya noong mga nakaraang eleksyon pati na rin ang pagsusulong ng mga pangunahing programa ng Lokal na Pamahalaan. ##(cio/lkoasay)

thumb image

Team Kidapawan City nag uwi ng medalya mula sa Mindanao Leg Muay Thai Championships

KIDAPAWAN CITY – NAGWAGI NG TATLONG GINTO, APAT NA PILAK AT ISANG TANSONG Medalya ang mga pambato ng Kidapawan City sa Mindanao Leg Muay Thai Association of the Philippines Championships kamakailan lang.

Nasa ikalimang pwesto ang Kidapawan City mula sa labing isang Mindanao Cities na sumabak sa nasabing torneo na ginanap sa Butuan City.

Mga miyembro ng Kidapawan City National High School at Alternative Learning System ang mga atletang kumatawan sa lungsod sa torneo.

Nakipagbakbakan sila laban sa mga Muay Thai athletes ng Davao City, Gensan, Zamboanga, Butuan at iba pang malalaking lungsod ng Mindanao.

Nagwagi ng gold sina Sofrino John Pepugal, Christian Jay Boquerin, at Jhoniel Aquino.

Silver medalists naman sina Chris Wilfred Dellona, Felix Alfonso Bilbao, Chrisitian Nudalo at Vince Galon.

Bronze medal winner naman si Carl Pajes.

Personal silang pararangalan ni City Mayor Joseph Evangelista sa July 2019 Convocation Program ng City Government ngayong linggo tanda ng kanilang matagumpay na kampanya sa prestihiyosong torneo ng Muay Thai sa Pilipinas.

Kabilang silang lahat sa One Team, One City One Goal Sports Development Program ng Kidapawan City Government at partner agencies nito.

Winning coaches ng Team sina Sifu Ritchies Solano at Ramel Eting na pararangalan din sa okasyon. ##(cio/lkoasay)

(photo courtesy of Sifu Ritchies Solano)

thumb image

Mayor JAE paparangalan ng PRC

BIBIGYAN nang parangal ng Professional Regulation Commission (PRC) si Mayor Joseph A. Evangelista sa gagawing Mid-Year Performance Assessment ng ahensiya na gagawin sa Diamond Hotel sa darating na Martes, July 23.

Mismong si PRC Commissioner Jose Cueto Jr. ang nagpaabot ng imbetasyon sa pamamagitan ng isang kalatas na nakarating sa tanggapan ni Mayor Evangelista.

Nakasaad sa imbitasyon na naanyayahan ang alkalde ng Kidapawan, upang bigyan ng pagpupugay at parangal sa dahil sa buong pusong suporta nito Kidapawan City.

Sinabi ni Commissioner Cueto sa kanyang sulat na Malaki ang naitulong ni Mayor Evangelista sa pagpapabot ng serbisyo ng PRC lalo na sa malalayong kanayunan at maging sa mga kalapit na bayan at lalawigan ng Cotabato.

Sa ilalim ng pamunuan ni Evangelista, naipatayo ang PRC sub-office sa overland terminal at nabigyan ng pagkakataon ang mga Kidapawenos na maging mabilis ang kanilang transaksiyon sa ahensiya nang hindi na pumupunta pa sa lungsod ng Davao at Heneral Santos.

Naisakatuparan rin ang pagsasagawa ng Licensure Examination for Teachers (LET) at Licensure Examination for Criminologist sa Kidapawan kung saan maraming mga professionals and naka benepisyo at serbisyo ng PRC. (CIO)

thumb image

Delinquent real properties isasailalim sa public auction ng City Government sa Oktubre 2019

KIDAPAWAN CITY – ANIMNAPU AT PITONG mga delinquent real properties ang nakatakdang isusubasta ng City Government sa Oktubre 2019.

Ang mga nabanggit ay yaong mga hindi na nabayaran ng mga nagmamay-ari ang buwis sa Lokal na Pamahalaan.

Basehan ng City Government sa isasagawang public auction ang mga probisyong isinasaad ng RA7160 o ang Local Government Code.

Idinidikta ng batas sa mga Lokal na Pamahalaan na isubasta ang mga delinkwenteng lupa, makinarya o gusali bahagi ng tax collection mandate nito.

Una ng nagbigay alam ang City Treasurer’s Office sa lahat ng nagmamay-ari ng lupa, gusali at makinarya sa pamamagitan ng pagbibigay ng tax due notices sa lahat ng barangay sa lungsod.

Sa datos na ipinalabas ng kanilang opisina, mula taong 2000 hanggang sa kasalukuyan ang mga taong hindi nabayaran ng mga delinquent real property owners ang kanilang mga buwis sa lupa.

Kinapapalooban ng mga residential, agricultural at commercial lots ang mga delinquent real properties sa labing siyam ng mga barangay ng Kidapawan City ang isina pubiko ng City Treasurer’s Office.

Sa kabila nito, hinihikayat naman ni Mayor Joseph Evangelista ang mga nagmamay-ari ng mga nabanggit na may sapat pa silang panahon na bayaran ang kanilang mga bayarin para hindi na maisali sa public auction ang kanilang pag-aaring lupa.

Bukas ang CTO upang tumanggap ng bayarin ng mga delinquent real property owners.

Yun nga lang ay may kalakip na penalties and surcharges ang bayarin dahil na rin sa mahabang panahon na hindi nila ito nabayaran.

Nakalagay sa isang dambuhalang tarpaulin sa lobby ng City Hall ang listahan ng mga delinquent real properties na subject for public auction.

Hinihikayat naman ang iba pang nagmamay-ari ng lupa, gusali o makinarya delinquent man o hindi, na laging i-update ang kanilang bayarin sa real property taxes sa City Government. ##(cio/lkoasay)

thumb image

Publiko kinakailangang makipagtulungan sa kampanya kontra dengue- City Gov’t

KIDAPAWAN CITY – KINAKAILANGANG MAKIPAGTULUNGAN ang lahat sa kampanya kontra dengue, ayon pa sa City Government.

Ito ay alinsunod na rin sa pagdedeklara ng National Dengue Alert ng DOH July 15, 2019.

452 na kaso ng dengue ang naitala ng City Health Office sa lungsod mula Enero hangang Hunyo 2019, mula na rin sa datos ng kanilang opisina.

May isang naitalang dengue related death sa Barangay Birada nitong 2019.

Ang nabanggit na bilang ay nagmula na rin sa mga records ng mga ospital sa Kidapawan City na tumanggap ng pasyenteng may dengue, ayon pa sa CHO.

Ito ay lubhang mataas kumpara sa 72 kaso sa kapareho din na mga buwan noong 2018.

Posibleng ang pagtaas ng kaso ng dengue ay bahagi ng tatlo o apat na taong ‘cycle’ kung saan naaabot ang ‘peak’ o dami ng nagkakasakit nito.

Ugaliin dapat ng lahat ang pagsunod sa 4S campaign ng pamahalaan ng mapigilan ang pagdami ng nagkakasakit ng dengue.

Una ay Search and Destroy ng mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok na sanhi ng sakit.

Self Protection laban sa kagat ng mga lamok sa pamamagitan ng pagsuot ng pananamit na may mahabang manggas, paglalagay ng insect repellants sa katawan, at paggamit ng kulambo.

Seek early consultation kung sakaling may simtomas ng dengue gaya ng lagnat ng maiwasan ang komplikasyon.

At Saying Yes sa pagsasagawa ng fogging operation sakaling may dengue outbreak sa mga komunidad.##(cio/lkoasay)

(photo is from newsnetwork.mayoclinic.org)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio