Author: Dave Vibo

You are here: Home


thumb image

Php 1.007 Billion Budget for 2020 planong ipasa ng City Gov’t

KIDAPAWAN CITY – MAPAPABILANG NA SA BILLIONAIRE CITY ANG Lungsod ng Kidapawan.
Sa unang pagkakataon kasi ay aabot na sa mahigit isang bilyong piso ang magiging budget ng City Government sa susunod na taon.
Inihayag ni City Mayor Joseph Evangelista ang pinaplanong pagpapasa ng 2020 Php 1.007 Billion Annual Budget June 27, 2019 sa pagtitipon ng mga bagong halal na opisyal at mga department heads ng City Hall.
Ito na ang pinakamalaking budget ng City Government na inaasahang magbibigay pa ng dagdag na serbisyo, programa at mga proyekto para sa mamamayan ng lungsod, wika pa ni Mayor Evangelista.
Nakapaloob sa Executive Legislative Agenda o ELA ang pagpapasa ng naturang budget kung saan ay magsisilbing gabay sa City Government sa kung ano-anong mga proyekto, programa at serbisyo ang ipatutupad nito mula 2019-2022.
Posibleng maipapasa ang Php 1 Billion budget sa huling bahagi ng taong kasalukuyan.
Sa pamamagitan nito, ay mas mapapagtuonang pansin ang mga programa at serbisyong nasa ilalim ng Health, Education, Social Services, Manpower-Job generation; Revenue Generation, Agriculture, Tourism, Infrastructure Development at Public Safety.
Magiging prayoridad ni Mayor Evangelista na makipag-usap sa mga lokal na opisyal ng bayan ng Makilala at Bansalan Davao del Sur para sa planong pagbubukas at pagko-kongkreto ng Maligaya Balindog- Singao- Makilala-Bansalan Road.
Sa pamamagitan nito ay magkakaroon na ng alternatibong ruta ang mga sasakyan papasok at palabas sa nabanggit na mga lugar.
Patuloy naman ang plano ng alkalde na hikayatin ang Department of Foreign Affairs na maglagay na ng extension office sa lungsod ng Kidapawan.
Dahil na rin sa dumaraming mga OFW’s na nag-aaply ng socialized housing sa City LGU, prayoridad din ni Mayor Evangelista na magdagdag pa ng Resettlement Site para sa magiging tahanan ng mga Overseas Filipino Workers na taga Kidapawan City.
Pinaplanong magbigay ng 1,000 slots ng City Government sa mga OFW’s na walang naipundar na bahay mula sa 350 slots na binigay nito sa kasalukuyan kapag naitayo ang dagdag na Resettlement Site.##(cio/lkoasay)

Photo caption – MGA BAGONG HALAL NA OPISYAL NG KIDAPAWAN City:(mula sa kaliwa) City Councilors Gregorio Lonzaga; Aljo Cris Dizon; Narry Amador; Melvin Lamata Jr; Carlo Agamon; Vice Mayor Jivy Roe Bombeo; City Mayor Joseph Evangelista; City Councilors Peter Salac; Marites Malaluan; Liga President Morgan Melodias; Airene Claire Pagal at Ruby Padilla- Sison.(cio photo)

thumb image

Libreng vending umbrella gihatag sa LGU-Kidapawan sa mga farmer-vendors

Personal nga gitunol ni Mayor Joseph A. Evangelista ang libreng mga vending umbrella alang sa mga farmer-vendor sa Kidapawan.

Mikabat sa saysenta’y-sais ka mga mag uuma nga namaligyaay ug mga lagutmon sa squaremart ang nakadawat sa maong regalo gikan sa mayor.

Nag gikan ang mga swerteng vendors sa mga barangay sa Balabag, Singao, Ginatilan, Ilomavis ug Onica.

Dakong tabang ang mga vending umbrella alang sa mga farmer-vendor aron dili mainitan o mabasa inig mubunok ang makusog nga uwan.

Gimando ni Mayor Evangelista kang City Acting Agriculturist Marisa Aton, nga mupahigayon ug pag panglista sa mga mag uuma nga naga baligya ug lagutmon sa squaremart ug sa mega market, aron sila usab matagaan ugf susamang butang. (CIO)

thumb image

City Gov’t nominado sa Jose Tuburan Jr. Local Governance Award

KIDAPAWAN CITY – NOMINADO ANG LUNGSOD PARA SA Jose Tuburan Jr. Local Governance award.

Proyekto ng Cotabato Provincial Government ang gawad bilang pag-alala kay dating Cotabato Vice Governor Jose Tuburan Jr at ibinibigay sa mga natatanging LGU ng lalawigan na nagpakita ng maayos na pamamahala at nakapagbigay ng nararapat na serbisyo publiko sa mamamayan.

June 24, 2019 ng sumailalim sa evaluation ang City Government mula sa mga evaluators na nagmula pa sa iba’t-ibang tanggapan ng Provincial Government.

Mainit naman silang tinanggap ni City Mayor Joseph Evangelista kung saan ay inilahad ng alkalde ang iba’t-ibang mga programa at proyekto ng City Government.

Nanguna sa evaluation team si Provincial Planning Development Coordinator Cynthia Ortega.

Sinuri nila ang mga Data Capture forms ng mga programa at proyekto na inihanda ng City LGU sa nasabing evaluation.

Tatlong milyong piso ang gantimpala para sa sino mang mananalong LGU ng lalawigan na gagawaran ng nabanggit na patimpalak.

Nanungkulan bilang Bise Gobernador ng lalawigan ng Cotabato si Tuburan noong 1987-1992.

Siya ay kinilala sa kanyang dedikasyon bilang public official.

Sumakabilang buhay siya noong 2017.

Una ng ginawaran ni Mayor Evangelista bilang Kidapawan City Hero si Vice Governor Tuburan noong February 2018.##(cio/lkoasay)

thumb image

Mayor Joseph A. Evangelista, personally visited the Isidoro Lonzaga Memorial Elementary School in Barangay Magsaysay following the huge fire that engulfed the two classrooms on Friday afternoon. Mayor Evangelista instructed the city enginering office to check the condition of the building for possible assistance to reconstruct the structure. The mayor also instructwed the Kidapawan City Division Office to coordinate to his office for any assistance to the affected Grade 4 and 5 students of said school.

Photo courtesy: Roxanne Gloria Ocon

thumb image

Mataas na koleksyon ng buwis naitala ng City Gov’t sa kalagitnaan pa lamang ng taon

KIDAPAWAN CITY – NAKAPAGTALA NG MATAAS NA TAX COLLECTION EFFICIENCY RATE ANG City Government sa target nito sa koleksyon ng buwis sa kalagitnaan pa lamang ng taong kasalukuyan.

Binunyag mismo ni City Mayor Joseph Evangelista ang naturang development sa pagsisimula ng evaluation ng Cotabato Provincial Government sa City LGU para sa nominasyon nito sa Jose Tuburan Jr. Good Governance Award June 24, 2019.

Resulta na rin ng pagpupunyagi ng Lokal na Pamahalaan mula sa pinaigting na koleksyon ng Real Property at Local Taxes ang narehistrong mataas na koleksyon sa buwis at tiwala ng mamamayan sa kakayahan ng Pamahalaang Lokal na magbigay at magpatupad ng proyekto at serbisyo, paliwanag pa ni Mayor Evangelista.

82% na collection efficiency rate ang nakuha ng City Government sa koleksyon ng mga buwis sa lupa sa ilalim ng Real Property taxes.

75% naman ang collection rate sa General Collections gaya ng permits and licenses; penalties and surcharges; certifications and clearances; at mga katulad na bayarin.

Mula sa target na P 53.5 Million sa City Share at Special Education Fund sa ilalim ng real property taxes, umabot na sa mahigit P41 Million ang aktwal na nakolekta ng City Government as of May 2019.

Mula naman sa target na P143.5 Million sa General Collections, abot na sa mahigit P107 Million ang halaga ng nakolekta ng City Government, ito ay mula na rin sa ipinalabas na datos para sa mga buwan ng Enero-Mayo 2019 ng City Treasurer’s Office na nangangasiwa sa koleksyon ng buwis.

Ipinatitiyak naman ni Mayor Evangelista sa lahat na popondohan ng nakokolektang buwis ang mga pangunahing proyekto ng Lokal na Pamahalaan.

Ang maayos na pagpapatupad ng proyekto at pamimigay ng serbisyo ay nakakahikayat din sa mga investors na maglagak ng kanilang negosyo sa lungsod, wika pa ng alkalde.##(cio/lkoasay)

(photo is taken from pinasmuna.com june 11, 2012)

thumb image

City Govt namigay ng certified rice seeds sa mga palay farmers na naapektuhan ng El Niño

KIDAPAWAN CITY – PINANGUNAHAN NI City Mayor Joseph Evangelista ang pamimigay ng mga Certified Rice Seeds sa mga magsasakang naapektuhan ng El Niño.

Nagmula sa Calamity Fund ang nasabing certified rice seeds.

Layun ng pamimigay ng tulong ay upang makabawi sa kanilang kabuhayan ang mga apektadong magsasaka ng palay mula sa mahigit apat na buwan na walang pag-ulan sa lungsod.

Abot sa apatnapung kilong certified rice seeds ang nilalaman ng bawat bag na ibinigay ng City Government.

Mga Farmers Association ng dalawampu at isang barangay ang tumanggap ng ayuda, ayon pa sa City Agriculture Office.

Katulad ng naunang pamimigay ng hybrid corn seeds ng City Government sa mga magsasaka ng mais, naka depende rin ang bilang ng bags sa lawak ng pinsalang tinamo ng mga palayan sa mga barangay na naapektuhan ng tagtuyot.

Pinakamaraming bilang dito ang 173 bags na tinanggap ng Barangay Macebolig.

1,090 mula sa kabuo-ang 1,200 ang aktwal na ibinigay ng City Government.

Ito ay sa kadahilanang ang nalalabing 110 bags ay magsisilbing “ buffer stock” ng City Government na ibibigay kung sakaling may mga grupo ng magsasakang mangangailangan ng ayudang palay.

Pasasalamat naman ang ipinapaabot ng mga benepisyaryong magsasaka kay Mayor Evangelista sa pagbibigay ng tulong sa kanila.

Agad na nilang itatanim ang mga binhi ng palay gayung nagsisimula na ang mga pag-ulan sa lungsod.##(cio/lkoasay)

Photo caption – CERTIFIED RICE SEEDS IPINAMIGAY NA NG CITY GOVERNMENT: Isa-isa ng binuhat ng mga farmer beneficiares ang kanilang bag ng binhi ng palay matapos itong i turn-over ni City Mayor Joseph Evangelista June 24, 2019. Mga magsasakang naapektuhan ng El Niño ang tumanggap ng ayuda.(cio/photo)

thumb image

City Gov’t magpapatayo ng bagong classrooms sa nasunog na paaralan

KIDAPAWAN CITY – MAGPAPATAYO ng mga bagong silid aralan ang City Government sa Isidoro Lonzaga Memorial School ng Barangay Magsaysay matapos masunog ang dalawang classrooms nito noong June 21, 2019.
Personal na binisita ni City Mayor Joseph Evangelista ang lugar kung saan ay sinabi niya sa City Schools Division ng DepEd na ipapaayos ang nasunog na mga silid aralan. 
Nagsagawa ng assessment si Mayor Evangelista sa nasunog na classroom building kasama ang pamunuan ng naturang eskwelahan at mga opisyal ng City Government at DepEd isang araw matapos ang sunog.
Pinasalamatan naman ng DepEd ang positibong tugon ng alkalde sa pagpapatayo ng bagong silid aralan.
Sa kasalukuyan, ay temporaryong ginagamit ng mga apektdong mag-aaral ang ilang bakanteng pasilidad ng eskwelahan bilang silid aralan.
Faulty electrical wiring ang tinuturong dahilan kung bakit nasunog ang naturang classrooms.
Payo ngayon ng City LGU at ng DepEd sa pamunuan ng mga pampubliko at pribadong eskwelahan na siguraduhing naka unplug sa saksakan ang mga de kuryenteng gamit upang maiwasan na magkasunog.##(cio/lkoasay)

thumb image

City Gov’t namahagi ng relief assistance sa mga binahang residente ng Poblacion

KIDAPAWAN CITY – NAMAHAGI NG Relief Assistance ang City Government sa may isangdaan at animnapu’t walong pamilyang biktima ng mga pagbaha sa lungsod noong June 17, 2019.

Ito ay matapos ipag-utos ni City Mayor Joseph Evangelista ang pagbibigay ng tulong sa mga pamilya ng walong mga purok ng Barangay Poblacion na binaha dahil sa mga pag-ulan.

Nanguna sa pamimigay ng tulong ang City Disaster Risk Reduction and Management Office at ang City Social Welfare and Development Office isang araw matapos ang pagbaha.

Kada pamilya ay nabigyan ng food packs na kinabibilangan ng limang kilong bigas; at tig-tatatlong lata ng sardinas at corned beef.

Mga pamilya ng mga sumusunod na mga purok ng Poblacion ang nabigyan ng food packs: Cherry, Passion fruit, Golden Coconut, Dalandan, Ponkana, Dalanghita, Macapuno at Durian.

Kaugnay nito ay pinananawagan din ni Mayor Evangelista ang kaukulang mga pag-iingat laban sa mga banta ng pagbaha at landslide gayung nagsimula na ang panahon ng pag-ulan.##(cio/lkoasay)

(photo courtesy of CSWDO Kidapawan)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio