Author: Ian Famulagan

You are here: Home


thumb image

 

 

PRESS RELEASE
February 1, 2019
Kidapawan City nakahanda na para sa 21st Charter Day sa Pebrero 12, 2019
KIDAPAWAN CITY – SI PRESIDENTIAL SON Sebastian ‘ Baste’ Duterte ang espesyal na bisita ng ika 21st Charter Day ng lungsod sa Pebrero 12, 2019.
Makakasama niya si Cotabato Governor Emmylou Talino Mendoza bilang mga panauhin sa okasyon kung saan gagawin naman sa City Gymnasium. 
Inaasahang ibabahagi ng Presidential Son ang mensahe ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte sa mismong araw ng anibersaryo ng pagsasa-lungsod ng Kidapawan City sa petsang nabanggit.
Ilan lamang sa mga tampok na aktibidad ng okasyon ay ang mga sumusunod:
February 5- Elementary Drum and Lyre Competition, Mayor JAE 3 cocks Derby, Hastang Lami-a Culinary Festival; Agro Trade Fair and Food Exhibit; Ukayan sa Kidapawan.
February 6 inter High School – Collegiate Music and Dance Festival.
February 7 Balik Ta sa Kidapawan Homecoming Tour; February 8 High School Drum and Lyre Competition; February 9 Paralympic Games, Motocross, 4X4 Off Road, Kidapawan City Mindanao Wide Hip Hop Street Dance competition at Zumba and Fun Run.
February 10 Balik Ta sa Kidapawan Homecoming Night; February 11 Barangay Night.
February 12 Civic Military Costume Parade, Culmination program; Lechon Festival; Rock Jam Concert with the Aegis at Fireworks Display.
February 13 Rock Wars Battle of the Bands.
February 14 Kalilangan sa Kidapawan Muslim Wedding at Employees Night.
February 16 Mobile Passporting
Iniimbitahan ni City Mayor Joseph Evangelista ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng ika 21st Charter Day ng lungsod.
Kaugnay nito ay hinihingi din ng mga otoridad ang kooperasyon ng publiko sa mga isasagawang security checks sa venue ng mga aktibidad para na rin sa kanilang kaligtasan.
Tema ng pagdiriwang ay Kidapawan City at 21 Celebrating Life, Sustaining Peace and Envisioning Prosperity.
Sa bisa ng Republic Act number 8500 na nilagdaan ni dating pangulong Fidel Ramos, naging ganap na component city sa lalawigan ng Cotabato ang Kidapawan noong February 12, 1998.##(CIO/LKOasay)

thumb image

PRESS RELEASE

February 1, 2019

Hapsay Pasada Search for Best Tricycle at Best Driver umarangkada na

KIDAPAWAN CITY – UMARANGKADA na ang Hapsay Pasada Search for Best Tricycle and Best Driver Enero 31, 2019.

Animnapu at dalawang mga units ang nag-qualify sa patimpalak kung saan isa sa mga magsisilbing highlights ng ika 21 Charter Day ng lungsod sa Pebrero 12, 2019.

Ito ay handog ni City Mayor Joseph Evangelista katuwang ang City Tricycle Franchising Regulatory Board at Federation of Kidapawan Integrated Tricycle Associations – FKITA bilang pagkilala sa mga natatanging tsuper at may-ari ng mga tricycle na bumibyahe sa Kidapawan City.

Dalawang kategorya ang pagpipilian sa patimpalak.

Ito ay ang Best Tricycle at Best Driver 2019.

P15,000 na grand cash prize ang naghihintay sa mananalong Best Tricycle at Best Driver.

Sinimulan ng husgahan ng mga hurado ang animnapu at dalawang units na napili ng kani-kanilang mga asosasyon sa ilalim ng FKITA.

Ang mga hurado ng patimpalak ay sina Kidapawan LTO Head Genalinda Ganotice at kanyang deputy na si Sajid Abutasil, TMU Head Rey Manar, KCGEA President Alex Macasaet at ABC Vice President Morgan Melodias.

Maliban sa pinagandang unit, kinakailangan din na sumusunod sa itinakdang palisiya ng CTFRB ang bawat tricycle at higit sa lahat, walang kinakaharap na reklamo o violation sa TMU at LTO ang driver para mag-qualify sa patimpalak.

Ibababa sa dalawampu ang matitirang entries na siya namang pipiliing mananalo sa patimpalak ngayong Pebrero 11.

Mainit na pasasalamat naman ang ipinapaabot ng pamunuan ng FKITA kay Mayor Evangelista sa pagbibigay pugay at suporta nito sa sektor ng tricycle.##(CIO/LKOasay)

Photo caption – SEARCH FOR BEST TRICYCLE 2019: Sinuri ng mga hurado ang entry number 17 na unit ng tricycle na isa sa mga entries ng Hapsay Pasada Search for Best Tricycle 2019. Ang patimpalak ay isa sa mga tampok na aktibidad ng 21st Charter Day ng Kidapawan City sa Pebrero 12, 2019.(CIO Photo)

thumb image

PRESS RELEASE
January 30, 2019
Public schools tumanggap ng bagong LED television sets at laptop computers
KIDAPAWAN CITY – APATNAPU AT SIYAM NA MGA LED 32 INCH television sets at mga laptop computers ang inabot ni City Mayor Joseph Evangelista sa Department of Education City Schools Division.
Ibibigay ang mga nabanggit sa iba’t-ibang pampublikong paaralan sa lungsod, wika pa ni Mayor Evangelista.
Ito ay katuparan sa pinangako ng alkalde sa mga teachers at school heads na kanyang sinabi noong pagdiriwang ng City teachers Day December 2018.
Makatutulong ang naturang bagong kagamitan sa epektibong pagtuturo ng mga guro sa klase.
Magsisilbing learning devices ang mga bagong telebisyon at laptops lalo na sa mga audio visual presentation ng mga lessons sa paaralan.
Magagamit din ang laptops sa paglalathala ng mga school publication ng mga public schools.
Ito ay pauna lamang sa marami pang tulong na ibibigay ng City Government sa mga public schools ngayong 2019.
Target ng ayuda na mapababa pa ang drop-out rate at maiangat ang participation rate ng mga bata na pumapasok sa mga pampublikong paaralan sa Kidapawan City.
Iniabot ni Mayor Evangelista ang nabanggit na mga bagong kagamitan Enero 25, 2019 sa January Convocation Program ng City Government. ##(CIO/LKOasay)

thumb image

 

PRESS RELEASE
January 30, 2019
129 dating gumagamit ng droga nakumpleto ang Community Based Drug Rehab Program
KIDAPAWAN CITY – ISANDAAN DALAWAMPU’T SIYAM na mga dating ‘Persons Who Used Drugs’ ang nakakumpleto sa kani-kanilang Community Based Drug Rehabilitation sa anim na barangay ng lungsod.
Nakumpleto nila ang programa sa loob ng anim na buwan kung saan ay tinulungan silang makabalik sa lipunan at mamuhay ng normal. 
Nagmula ang mga PWUD’s sa mga barangay ng: Poblacion 82; Mateo 8; Paco 9; Balindog 12; SIngao 13 at Patadon 5.
Isandaan at dalawampu rito ay mga lalake samantalang siyam ang mga babae.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni City Mayor Joseph Evangelista na mapalad pa rin ang mga nalulong sa droga na nakumpleto ang CBRP dahil nabigyan sila ng pagkakataon na magbago.
Giit ng alkalde na hindi lamang dito magtatapos ang intervention ng City LGU para makatulong sa mga nakakumpleto ng rehab.
Nais ni Mayor Evangelista na mabigyan ng skills training ang mga drug dependents sa pamamagitan ng tulong ng TESDA at DepEd Alternative Learning System.
Sa pamamagitan nito ay mabibigyang karunungan ang mga dating drug dependents upang magkaroon ng hanapbuhay ng hindi na bumalik pa sa paggamit ng illegal na droga.
Ginanap ang Completion ng Community Based Drug Rehabilitation Program sa City Convention Hall ala una ng hapon Enero 29, 2019.
Ito ay ipinatupad sa pamamagitan ng partnership ng City Government at Department of Health. ##(CIO/LKOasay)

thumb image

PRESS RELEASE
January 28, 2019
Hapsay Pasada contest hindi ni-reject ni Mayor Evangelista
KIDAPAWAN CITY – IPINASA SA FKITA AT HINDI NI-REJECT ni City Mayor Joseph Evangelista ang panukalang Hapsay Pasada ng CTFRB.
Reaksyon ito ni Mayor Evangelista sa sinabi ni City vice Mayor Jun Piñol na umano ay hindi niya pinayagan ang pagpapatupad ng pacontest.
Ayon pa sa alkalde, maling-mali ang sinasabi ni VM Piñol dahil ipinasa niya sa Federation of Kidapawan Integrated Tricycle Associations ang Hapsay Pasada na pa contest dahil ito ang siyang kinikilalang lehitimong samahan ng mga tricycle sa lungsod.
Isa kasi ang Hapsay Pasada sa mga patimpalak na tampok sa ika 21st Charter Day ng Lungsod sa susunod na buwan.
Ginawa niya ito bilang ‘pagrespeto at pagkilala’ sa FKITA bilang lehitimong samahan ng mga nagmamay-ari at tsuper ng tricycle.
Wika pa ni Mayor Evangelista, mas mainam na sa FKITA na ipapasa ang pa contest dahil mga miyembro naman nila ang direktang makikinabang dito.
Mas praktikal, ayon pa sa alkalde na paghatian nalang ng mga mananalong entries ang gantimpala imbes na ibigay sa iilang mananalong units lalo pa at lubhang magastos sa mga operator ang paglalagay ng palamuti at pagpapaganda ng kanilang tricycle.
Pinuna din ni Mayor Evangelista ang sinabi ni VM Piñol na walang impluwensya ang FKITA sa kaunlaran ng Kidapawan City.
Malaki ang naiambag ng FKITA sa pagpapaunlad ng lungsod dahil nagampanan naman nito ang kanilang pagbibigay ng kaaya-ayang public transport sa mamamayan, wika pa ni Mayor Evangelista.
Sa usapin naman ng pagdidisiplina sa ilang nagkamaling mga driver, nariyan naman ang CTFRB at TMU upang duminig sa mga reklamo.
Hindi rin dumadalo ang bise alkalde sa mga meeting ng FKITA kaya hindi niya alam ang mga tunay na saloobin at suliranin ng mga driver, wika pa ng alkalde.
Nasa ilalim ng opisina ni Piñol ang CTFRB, paglilinaw ni Mayor Evangelista. .##(CIO/LKOasay)

thumb image

PRESS RELEASE January 28, 2019 Target hardening ipinag-utos ni Mayor Evangelista kasunod ang malagim na pambobomba sa Jolo KIDAPAWAN CITY – IPINAG-UTOS na ni City Mayor Joseph Evangelista ang paghihigpit ng seguridad sa lungsod makaraan ang malagim na pambobomba sa Jolo Sulu kahapon ng umaga. Bagamat malayo sa pinangyarihan ng pambobomba, gagawing ‘hard target’ ng mga otoridad ang Kidapawan City upang maiwasan ang kahalintulad na pangyayari at masegurong ligtas ang lahat laban sa banta ng terorismo. Mahigit dalawampung mga biktima ang nasawi sa pambobomba ng mga teroristang grupo sa Mt. Carmel Cathedral sa Jolo pasado alas otso ng umaga Enero 27 sa kasagdagan ng misa sa loob ng simbahan. Bunga nito ay nakipag usap na ang alkalde sa mga security forces na naka destino sa Kidapawan City na gawing mahigpit ang pagbabantay sa mga check points papasok at palabas ng lungsod. Ganito rin sa mga matataong lugar na maaring samantalahin ng mga masasamang loob. Pinananawagan din ni Mayor Evangelista ang kooperasyon ng lahat sa mga isasagawang security checks para na rin sa kanilang kaligtasan. Mangyaring ireport agad ang presensya ng mga kahinahinalang indibidwal sa mga komunidad Hinihikayat din niya ang lahat na ipagdasal ang mga nasawi at nasugatan sa nangyaring pambobomba. Mas mainam din umano na huwag maniwala sa mga haka-haka at magpalabas ng maling impormasyon lalo na sa social media. Pinaparating din ni Mayor Evangelista na ginagawa ng mga otoridad ang lahat ng ibayong seguridad lalo pa at papalapit na ang pagdiriwang ng ika 21st City Hood Anniversary ng lungsod sa Februyary 12, 2019. ##(CIO/LKOasay)

(photo is from PRO12.ph September 20, 2016)
thumb image

OFW Village itutuloy na ng City Government ngayong 2019

KIDAPAWAN CITY – ITUTULOY na ng City Government ang pagpapatayo ng Overseas Filipino Workers village ngayong 2019.
Pumirma sa isang Memorandum of Understanding si City Mayor Joseph Evangelista sa Socialized Housing Finance Corporation January 18, 2019 bilang hudyat na matutuloy na ang proyekto.
Katuparan ito sa pinangako ni Mayor Evangelista sa mga OFW na taga Kidapawan City na kanyang dinalaw at personal na nakausap sa Hong Kong at Singapore.
Nais ng proyekto na makapagbigay pabahay sa mga OFW na hindi pa nakakapag-pundar ng tahanan sa kabila ng maraming taong pagta-trabaho sa ibang bansa.
Ayon pa sa MOU na pinirmahan ni Mayor Evangelista at SHFC President Atty. Arnolfo Ricardo Cabling, itatayo ng SHFC ang mga bahay sa limang ektaryang lupang matatagpuan sa Barangay Kalaisan.
Kasali na rin ang paglalagay ng linya ng tubig at kuryente sa lugar.
Nagkakahalaga ng P7.5 Million ang lupang nabili ng City Government na paglalagakan ng OFW Village.
Ang OFW village ay bahagi ng Pabahay Socialized Housing Program IV ng City LGU kaagapay ang mga National Line Housing agencies.
Kasalukuyan na ring inihahanda ang Site Development sa Pabahay program para naman sa mga informal settlers.
Matatagpuan ang nabanggit na proyekto sa barangay Sudapin.##(LKOasay)
Photo caption – MOU Signing sa itatayong OFW Village: Pumirma si City Mayor Joseph Evangelista at SHFC President Atty Arnolfo Ricardo Cabling (pink shirt) sa Memorandum of Understanding para sa itatayong OFW Village sa Kidapawan City January 18, 2019.(CIO Photo)

thumb image

City LGU naghahanda na sa pagtama ng EL Nino

KIDAPAWAN CITY – PINAGHAHANDAAN na ng City Government ang paparating na EL Nino Phenomenon na inaasahang tatama sa lungsod pagsapit ng buwan ng Pebrero.

Ngayon pa lang ay iminumungkahi na ni City Mayor Joseph Evangelista sa mga magsasaka na ipa-insure na sa Philippine Crop Insurance Corporation ang kanilang mga pananim at alagang hayop.

Sa ganitong pamamaraan ay may makukuhang ayuda ang mga magsasaka kung sakaling lubhang maaapektuhan ng tagtuyot ang kanilang mga pananim at mga alagang hayop.

Kaugnay nito ay nagsimula na ring magsagawa ng assessment ang City Agriculture Office at CDRRMO sa mga barangay ng lungsod na posibleng tatamaan ng El Nino.

Simulan na ng CDRRMO na maglimbag ng mga leaflets na ipamimigay sa publiko.

Laman nito ang mga dapat gawin sa panahon ng matinding tag-init kagaya na lamang ng pagtatanim ng mga alternatibong produkto na hindi gaanong nangangailangan ng tubig.

Kasali rin ang pag-iwas na mabiktima ng heat stroke resulta ng pagkakabilad sa matinding sikat ng araw.##(|LKOasay)

Photo is from (gma news online February 16, 2016)

thumb image

Dagdag na tulong pinasyal para sa mga senior citizens nais ibigay ni Mayor Evangelista

KIDAPAWAN CITY – P20,000 para sa mga senior citizen edad otsenta anyos, P30,000 para sa edad nubenta at P50,000 para sa mga isangdaang taon pataas na mga senior citizens ang nais ibigay na tulong pinansyal ng City Government simula ngayong 2019.

Layun nito na mabigyan ng dagdag tulong pinansyal ang mga senior citizens na naka-abot sa nabanggit na mga edad.

Pagbibigay pugay na rin ito sa mahahalagang kontribusyon ng mga nakakatanda sa mga komunidad.

Ipinag-utos mismo ni City Mayor Joseph Evangelista sa mga opisyal ng Organization of Senior Citizens Association o OSCA na ihanda ang mga kaukulang dokumento para maipatupad ang nabanggit.

Lahat ng senior citizens – mapa indigent man o yaong may tinatanggap na retirement benefits ang sakop ng planong ayudang pinansyal, wika pa ni Mayor Evangelista.

Nais ng alkalde na matapos ang mga dokumento saka niya ipapasa sa Sangguniang Panlungsod para sa approval ng sa gayon, ay maisasali sa Supplemental Budget sa unang bahagi ng 2019 para sa agarang implementasyon.

Ang P50,000 para sa mga centenarian ay dagdag tulong pinansyal maliban pa sa P100,000 na magmumula naman sa National Government sa pamamagitan ng DSWD.##(CIO/LKOasay)

Photo Caption: PAGBIBIGAY PUGAY: Binigyang pugay ni City Mayor Joseph Evangelista ang 103 years old na centenarian na si Ginang Edem Date Sumalnap ng Barangay Manongol. Personal na iniabot ng alkalde ang P100,000 cash assistance sa centenarian January 16, 2019.(CIO Photo)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio