Author: Ian Famulagan

You are here: Home

[tfg_social_share]


Barangay Nuangan

 

ang ngalang ito ay namula sa isang salitang Manobo na ang ibig sabihin ay “tubig”, subalit para sa mga Ilokano ito ay nangangahulugang “Kalabaw”, dahil sa salitang “NUANG”. Sa bahaging ito ng bayan, may isang ilog na hindi natutuyo kahit sa mga buwan ng tag-init, kaya ang mga tao at kalabaw sa lugar na ito at sa kalapt-lugar, dito sila naliligo. Ang orihinal na baryo ay parating tinatawag na “NUANGAN”, lugar kung saan maraming naliligong kalabaw. Ang mga unang nanirahan sa lugar ay mga Manobo. Ang mga Ilocano ang sumunod na tumira sinundan ito ng iba pang tribu. Ang unang Tenyente del Baryo ay si Katigan Icdang, sinundan ni Crisostomo David at Andres L. Tamayo. Ang Nuangan ay naging ganap na baryo noong 1950 sa bisa ng resolusyon bilang 50.

 

Lupang Sakop: 530.4

Distansiya mula sa Kidapawan: 3 km.

Barangay New Bohol

 

Si G. Alfredo Banga ay isang lalaking masigasig na nanguna sa ilang pangkat ng pamilya mula sa Bohol na tumira sa isang lupaing may malalaking punongkahoy ng Kidapawan. Pinagyaman nila sa ang lugar at tinawag na “New Bohol. Ito ay naging ganap na baryo noong 1959. Si G. Alberto Banga ang hinirang upag maging unang Tenyente del Baryo.

 

Lupang Sakop: 561.6

Distansiya mula sa Kidapawan: 8 km.

Barangay Mua-an

 

Ang pinagmulan ng baryong ito ay mula sa isang aso na pagmamay-ari ng isang bagobong pinuno na si Datu Lumayon. Ang asong ito ay atalino, aktibo at matulungin. Sa tuwing may bisita ang datu, sa isang simpleng senyas sa kanya agad na pupunta sa kagubatan upang mangaso ng maiilap na hayop ng na-iisa. Ilang sandali bumalik siyang may dala-dalang baboy-ramo o manok para sa mga panauhin at ng buong pamilya. Ang pangalan ng aso ay “MULA-AN” ang pinagmumulan ng pagkain para sa mga bisita. Sa tuwing tag-init, si Mua-an, ay madaling makahanap ng tubig sa ilalim ng lupa. Hinukay niya ang lupa hanggang bumulwak ang tubig at ginagabayan niya ang mga tao kung saan makakuha ng tubig.

Magkaparehong naging popular sa lugar ang Mua-an na pinag-uusapan at maririnig sa malalayong lugar. Maraming mga naninirahang kristiyano ang dumadayo sa lugar at pinangalanan ni Datu Lumayon ang baryo ng MUA-AN pagkatapos mamatay ang kanyang aso na si Mua-an.

Ang pagkakasuno-sunod ng Tenyente del Baryo ay natupad dahil mula sa Chieftain na si Datu Lumayon, ito ay napunta sa kanyang Apo at ang huli ay si Datu Ligue Lumayon, ibinigay naman ni Datu Ligue ang sunod na liderato kay G. Sandilo Calmo, isang kristyanong lider noong siya ay malapit nang mamatay.

Ang Mua-an ay naging regular na baryo sa pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap bilang 82 serye ng 1947.

 

Lupang Sakop: 650.8

Distansiya mula sa Kidapawan: 10 km.

Barangay Meohao

 

Pangalan ng isang ilog sa paligid. Ang “MEOHAO” ay nangangahulugang masidhig pagka-uhaw (very thirsty), sapagkat ang mga katutubo noon sa tuwing may mga pagod na manlalakbay na napapadaan ay hinahanapan ng tubig, dito kinuha dahil sa hadlang ng lenguahe. Ang mga manlalakbay na naglalakad ng ilang milya ay nakakaramdam ng pagka-uhaw at sa pamamagitan ng senyas ay humihingi ng tubig mula sa isang katutubo dahil ubos na ang kanilang sisidlan ng tubig na bigay sa kanila kaya humihingi pa ng karagdagan kung kaya, ang mungkahi ng mga katutubo “MEOHAO” nag ang ibig sabihin, “matindinh pagka-uhaw”. Noong Setyembre 1965, ang mga mamamayan ng Sitio Meohao sa pamamagitan ng aktibong liderato ng ilang pangunahing residente at mga Manobo na pinamumunuan ni Amado Ebboy ay nagpitisyon na ang sitio ay gawing ganap na baryo. A pitisyon na gawing regular na baryo ang sitio ay tinanggap at si G. Patricio Galacio ang itinalagang Tenyenteng del Baryo, at sa pagkabigo ng unang regular na eleksiyon, si G. Patricio Galacio ang napiling unang Tenyente del Baryo ng lugar.

 

Lupang Sakop: 644.8

Distansiya mula sa Kidapawan: 15 km.

Barangay Mateo

 

Naging ganap na baryo noong 1947. Hinango ng mga unang nanirahan sa pook sa ngalan ng ilog Mateo.

 

Lupang Sakop: 583.6

Distansiya mula sa Kidapawan: 7 km.

Barangay Marbel

 

Kinuha ang ngalan nito mula sa ilog Marbel. Ang ilog na ito ay nahahati sa Munisipalidad ng Kidapawan at Magpet, at ang tagapagtatag ng lugar ay isang Manobo na ang ngalan ay Datu Embac. Naging ganap na baryo noong 1947.

 

Lupang Sakop: 673.6

Distansiya mula sa Kidapawan: 9 km.

Barangay Manongol

 

Ang pangalan ng Manongol ay hango sa isang munting sapa na gayon din ang pangalan. Unang una ang Manongol ay tinawag itong “Tagbak” ang lugar ay kinatitirhan ng mga tribung Manobo na pinangungunahan ng isang Datu Ugos Ingkal, mga kamag-anak at tagasunod.

Noong 1901, ang Pilipinas ay namamalagi pa ring nasa ilalim nang pamumuno ng American Military Government, Sina Datu Ugos Ingkal kasama si Datu Ugaingan Piang ay ipinatawag ng isang American Commanding Officer na nakabase sa Cotabato para sa isang komperensiya. Ito ang dahilan upang maging Cabesa de Barangay si Datu Ingkal ng Kidapawan District, Pikit, Cotabato.

Bilang itinalagang Cabesa de Barangay, gumawa at nagtatag ng mga sitio at naglagay ng mga hangganan si Datu Ingkal at naglagay ng pangalawang Datu upang manguna sa mga ito. Noong 1935, si Datu Siawan Ingkal ang humalili sa kanyang Ama na si Datu Ugos Ingkal, at siyang itinalagang pandistritong Alkalde ni dating pangulong Manuel L. Quezon. Dahil dito, humirang si Datu Siawan Ingkal ng kauna-unahang hanay ng pandistritong konseho at Tenyente del Baryo ng Kidapawan – ngayon ay tinatawag na “Old Townsite”, na ang dahilan ay ang Manongol ang siyang paglalagakan ng ngayong Poblacion, Kidapawan. Ang Manongol ay naging ganap na baryo sa bisa ng Atas Tagapagpaganap bilang 82 na may petsang 1947. Ang kauna-unahang itinalagang Tenyente del Baryo ay si Datu Amado Pinantao.

 

Lupang Sakop: 774.8

Distansiya mula sa Kidapawan: 6 km.

Barangay Malinan

 

Itoy naging ganap na baryo nong 1959 sa pamamagitan ng pagsisikap ni Bise Mayor Juan Sibug. Mula sa salitang “Matin-ao” na nag-ibolusyon dahil sa salitang “malinaw” ng mga Tagalog na dumayo noon sa lugar sa malinaw, naging “Malinan.”

 

Lupang Sakop: 658.4

Distansiya mula sa Kidapawan: 22 km.

Barangay Magsaysay

 

Bago naitatag ang baryo Magsaysay, ito ay kilala bilang Sitio ng baryo Lanao. Ang pangunahing pamilya na unang tumira sa lugar ay sina G. Lonzaga, Pansacala, Sarino, Bolasa, Pandio, Familgan, Flores, Bartolaba, Rabago, Bajet, at Sayago.

Noong taong 1964, ang mga unang nairahan sa lugar ay nagdaos ng papupulong. Napagkaisahan na magpapatayo ng paralang primarya (grade-I) na panukala ni G. Dominador Carbonell na ang ipapangalan ay isusunod sa ngalan ng dating Pangulong Ramon Magsaysay na iniidol ng mga magsasaka.

Ang mga tao dito ay nagnanais na ito ay mahiwalay sa baryo Lanao. Ang SP ay nagtakda ng isang plebisito noong Nobyembre 29, 1986. Halos lahat ay sumang-ayon na ito ay maging ganap na baryo na tatawaging baryo Magsaysay. Naging ganap na baryo ito noong 1986.

 

Lupang Sakop: 185.6

Distansiya mula sa Kidapawan: 1.5 km.

Barangay Macebolig

 

Akronim na hango mula sa Manobo, Cebuano, Boholano, Leyte at Igorot. Naging ganap na baryo nong 1959.

 

Lupang Sakop: 802.4

Distansiya mula sa Kidapawan: 16 km.

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio