Author: IAN FAMULAGAN

You are here: Home


thumb image

Kidapawan City — (March 12, 2024) Mas maganda ang bungad ng umaga sa mga taga Barangay Sibawan, nitong araw ng Martes, March 12 dahil sa dalawang Groundbreaking Ceremony na isasagawa ng City Government dito.

Unang ipinagkaloob nina City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, mga City Councilors at Department Managers ang 2M Road concreting Projects sa Purok 5.

Sumunod dito ang Road Concreting Project na inihandog naman ng Lokal na Pamahalaan sa mga taga Purok 6 na nasa 3M ang halaga.

Sagana sa produktong pang-Agrikultura ang Brgy. Sibawan tulad ng Saging, Mais, Niyog at maraming iba pa. Kaya malaking ginhawa para sa mga residente dito, ang pagsasaayos ng mga daanan sa kanilang lugar lalo na sa mga magsasaka at mga motorista.

Pangako naman ng mga Opisyales ng Barangay sa pangunguna ni Kapitan Roger Toledo, na aalagaan at pahahalagahan ang nasabing proyekto upang magamit ito sa mahabang panahon.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (March 11, 2024) – Isinagawa ng City Government of Kidapawan ang groundbreaking ceremonies para sa tatlong Infrastructure Projects na pinangunahan nina City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, Vice Mayor Melvin E. Lamata, Jr. , City Councilors at mga Department Heads ngayong Lunes, March 11.

Ang mga proyektong ito ay kinabibilangan ng Road Concreting Project sa Purok 2 ng Brgy. Balindog at Drainage System (Open Canal, Reinforced Concrete Pipe Culvert o RCPC & Portland Concrete Cement Pavement o PCCP) Installation Project sa Purok Eslao na solusyon ng pagbaha at Slope Protection, Road Concreting Project naman sa Purok Forever ng Barangay Perez.

Naging mainit ang pagtanggap ng mga opisyales at residente ng mga nabanggit na proyekto na magdudulot ng kaginhawaan sa kanila, nakatakdang matatapos ang proyekto sa buwan ng Hunyo ng taong ito.

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (March 10, 2024) 1,420 NA MGA indibidwal ang lumabag sa City Ordinance number 18-2011 o ang pagbabawal na manigarilyo o mag vape sa mga pampublikong lugar sa lungsod ang nasita at pinagmulta ng Kidapawan City Anti-Vice Regulation and Enforcement Unit o KIDCARE noong nakalipas na taong 2023.

Basehan nito ang consolidated report ng KIDCARE para sa taong 2023, kung saan 916 sa mga lumabag ay mga residente ng Kidapawan City at 504 naman ang mula sa ibang lugar.
P1,500 para sa first offense, P3,000 sa second offense at P5,000 para naman sa third offense ang mga penalidad sa ilalim ng naturang ordinansa ang binayaran ng mga offenders nito.

Payo naman ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista sa lahat na umiwas na lamang na manigarilyo o mag vape sa mga pampublikong lugar sa lungsod.

Bukod pa sa may kabigatan ang penalidad na babayaran, makakasira din ito sa kalusugan ng mismong naninigarilyo o di kaya ng mga nakapalibot sa kanya sa pamamagitan ng second hand smoking.

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (March 8, 2024) PINANGUNAHAN ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang pamimigay serbisyo at kasiyahan sa pamamagitan ng Kabaranggayan Dad-an og Proyekto ug Serbisyo o KDAPS 2.0 para sa mga mamamayan ng Barangay Kalasuyan dito sa lungsod.

Muling dinala ng Lokal na Pamahalaan kasama ang mga partner agencies ang mga pangunahing serbisyo para sa mga residente na ginanap nitong araw ng Biyernes, March 8.

Sampung pares ang ikinasal ng alkalde sa Kasalan ng Barangay na siyang panimula sa KDAPS.

912 na mga residente ng barangay ang nabigyan ng libreng manicure, pedicure, libreng gupit, libreng tuli, anti-rabies vaccine, at iba pa.

Namigay din ng bag pang eskwela si Mayor Evangelista sa mga bata edad 5-6 years old na nakatira sa lugar.

Ilan lamang sa mga tanggapan na nagbigay ng serbisyo sa KDAPS 2.0 ay: iba’t-ibang tanggapan ng City Government, Department of Agrarian Reform, Land Transportation Office, Department of Labor and Employment, Philhealth, Social Security System, Philippine Army, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Cotabato Electric Cooperative, Metro Kidapawan Water District at iba pa.

Pasasalamat naman ang ipinararating sa City Government at partner agencies ng mga residente sa pamamagitan ng kanilang Punong Barangay Andres A. Enghog, Jr. at mga kasapi ng Sanguniang Barangay.

Ang Barangay Kalasuyan ay mayroong 4,140 na populasyon, base sa 2020 Census ng Philippine Statistics Authority o PSA.

thumb image

KIDAPAWAN CITY – ( March 8, 2024) BUONG SUPORTA ang ipinapaabot ng Kidapawan City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC sa proposed Senate Bill number 1692 o ang Magna Carta for DRRM Workers.

Iniakda ni Senator Raffy Tulfo ang nabanggit na senate bill na naglalayong mabigyan ng dagdag na kompensasyon at proteksyon ang mga DRRM workers sa buong bansa na nahaharap sa peligro sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Sa kanilang isinagawang meeting noong March 6, na pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista na siya ring chair ng CDRRMC, nagpasa sila ng dalawang resolusyon para iparating sa senado ang pagsuporta sa Magna Carta for DRRM Workers.

Una, ay ang paghiling sa butihing Senador na isali sa Section 3 ng proposed bill, ang mga Emergency Medical Services o EMS workers (gaya ng Call 911 emergency responders na nagta-trabaho 24/7, mga health workers na nasa frontline sa panahon ng pandemic at iba pang krisis) at mga manggagawa ng Local Government Unit na nangangasiwa naman sa Waste Management dahil lubhang delikado ito sa kanilang kalusugan.

Ikalawa, ay ang pagpapa-abot ng full support ng CDRRMC sa Magna Carta for DRRM Workers. Makakatulong din ang Senate Bill 1692 sa maayos at mas maagap na pagtugon sa panahon ng kalamidad at krisis, wika pa ni Mayor Evangelista.

thumb image

Kidapawan City — (March 7, 2024) Handog ng Lokal na Pamahalaan sa tatlong mga Barangay sa Lungsod ng Kidapawan ang mga proyektong siguradong mapakikinabangan ng mga residente dito.

Ngayong araw, March 7, unang ipinagkaloob ang limang milyong (5M) halaga ng Road Concreting Project sa Purok 6, Brgy. Marbel na halos pitumpong taon ng hinihintay ng mga residente doon.

Hindi ininda ng mga residenteng dumalo sa nasabing programa ang mainit na panahon, dahil personal mismo nilang sinaksihan ang proyektong ipagkakaloob sa kanila.

Sinundan ito ng dalawang magkasunod na ground breaking ceremony na isinagawa sa Brgy. Paco at Brgy. Sikitan, kung saan nasa mahigit 10.2M halaga ng proyekto ang iginawad sa nabanggit na mga barangay.

Ang Slope Protection Project sa Purok Rambutan sa Brgy. Paco ang sagot sa nakakabahalang insidente ng pagbaha rito, lalo pa at may naiulat na rin na inanod ng rumaragasang tubig sa ilog.

Sa pamamagitan ng proyektong ibibigay sa kanila ngayon, mas magiging kampante na ang mga opisyales at residente sa kaligtasan ng mga nakatira doon.

Tugon naman para sa kahilingan ng mga taga Sikitan ang pagsasaayos ng daan sa Purok 3.

Sa ganitong paraan din kasi mas mapapadali na ang transportasyon ng mga nakatira dito, lalo pa at may kalayuan na ito sa National Highway.

Sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, Vice Mayor Melvin E. Lamata, Jr., kasamahan nito sa Sangguniang Panglungsod at mga Department Heads, buong puso itong ibinigay sa kanila.

Bilang ganti, ang pangangalaga lamang sa proyekto at ang pagpapahalaga dito ang nais ng Alkalde.

thumb image

Kidapawan City – (March 6, 2024) Tatlong mga malalayong Barangay ng lungsod ang naging sentro ng mga isinagawang Road Concreting Projects ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan ngayong araw March 6.

Kabilang sa mga tumanggap ng abot sa labing-isang milyon na proyektong pang-imprastraktura ang Brgy. Junction, Macebolig at Onica.

Ilang kilometro din ang layo nito mula sa sentro ng komersyo, palengke at mga pamilihan sa lungsod kaya magiging mahirap sa mga mamayan at mga motorista ang pagbabyahe kung sira at maalikabok ang kanilang babaybayin.

Malaki ang pasasalamat ng mga lideres at residente ng mga Barangay sa proyektong inihandog sa kanila.

Lalo pa at magiging susi ito upang maisasayos na ang kanilang daan, paraan upang mas mapaunlad pa ang kanilang Barangay.

Sa pamamagitan din nito mas madali na para sa kanila na maipalabas ang mga produkto ng mga magsasaka doon.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (March 5, 2024) – Kinilala ang Kidapawan City Local Civil Registry Office o LCRO ng Provincial Statistical Office at ng Philippine Statistics Authority o PSA 12 bilang Most Outstanding Local Civil Registry Office for the year 2023, 1st place sa buong probinsya at 6th place naman sa buong SOCCSKSARGEN Region.

Iginawad ang parangal sa katatapos lang na 34th Civil Registration Month Celebration nitong March 1, 2024 na may temang, “CVRS: The Future of Seamless Services” na isinagawa sa Verde Hotel, Koronadal City, South Cotabato.

Malaki naman ang tuwa ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista sa natanggap na parangal ng LCRO.

Aniya, ito ay repleksyon lamang sa dedikasyon at pagsisikap ng opisina na maibigay ang mahusay na serbisyo sa mga mamamayan ng lungsod. Inaasahan naman ng alkalde na mas pagbubutihin pa ng mga empleyado ng City Government ang paglilingkod sa publiko, hindi para sa karangalan, kundi para sa mas maayos na serbisyo.

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (March 5, 2024) Binigyan ng loan assistance ng City Government ang dalawang asosasyon ng rubber planters upang kanilang mapalago ang produksyon ng goma.

Iniabot ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista at ng mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod ang loan assistance mula sa City Government sa Perez ARB Rubber Farmers Association o PARFA (P1,500,000) at Kahugpungan sa mga Mag-uuma sa Singao o KAMASI (P400,000) sa ginanap na Convocation Program nitong araw ng Lunes, March 4.

Kapwa benepisyaryo ang PARFA at KAMASI ng Investments for Rural Enterprises and Agricultural and Fisheries Productivity Subproject ng Philippine Rural Development Project (I-REAP – PRDP) ng Department of Agriculture.

Malaking tulong sa mga rubber planters ang loan assistance dahil mapupunan na nito ang 20% Equity na requirement naman sa kanilang grant mula sa PRDP.

Bilang dagdag na benepisyo, kapwa magbabayad lamang ng 50% o kalahati sa kabuo-ang halaga ng kanilang loan ang PARFA at KAMASI sa City Government sa loob ng limang taon na walang interest.

thumb image

Kidapawan City – (March 4, 2024) Tatlong magkakasunod na Turn Over Ceremony ang isinagawa ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, Department Heads at mga Barangay Officials nitong umaga ng Lunes, March 4, 2024.

Ang seremonya ay sinimulan ng pagbabasbas ni Father Allan Sasi.

Unang naihandog sa mga residente ng Brgy. Lanao ang Drainage Canal na aabot sa mahigit P3.5 Million na halaga ng proyekto, na sasagot sa problema ng pagbaha sa nasabing lugar.

Sumunod dito ang Slope Protection Project na nasa mahigit P1.2 Million halaga sa Nuangan River, sa Brgy. Magsaysay na matagal ng inaasam ng mga residente dito lalo pa at ang nasabing area ay malapit sa Magsaysay Ecopark at Relocation Area.

Pinakahuling na Turn Over kanina ang Box Culvert at Slope Protection naman sa Brgy. Singao. Kung saan ang nasabing area ay kadalasan din na binabaha at nakakaapekto sa mga residenteng nakatira malapit sa ilog.

Emosyonal na pinasalamatan ng mga Punong Barangay ang mga tinanggap na Proyekto, dahil sila mismo ang saksi sa sitwasyon ng mga residente doon tuwing binabaha ang mga nabanggit na area.

Sinabi naman ni Mayor Evangelista na isa sa tinututukan nila ngayon ay ang paghahanda rin sa mga posibleng pagbaha sa lungsod.

Hiling din niya na sana ay pangalagaan ng mga mamamayan ang bawat proyektong ipinagkaloob sa kanila at mas marami pa ang makikinabang dito.

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio