City Comelec nagpaalala sa deadline ng Voters Registration at filing ng CoC’s

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2018/09/12 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – September 29, 2018 na lamang ang deadline ng voters registration para sa gaganaping 2019 midterm Elections.

Hindi na magkakaroon pa ng extension ang itinakdang deadline ayon pa kay City Election Officer Atty. Myla Luna – Bayao.

Panawagan ng Comelec sa mga indibidwal na edad disi-otso pataas na magpatala na upang makaboto sa halalan sa May 2019.

Mangyaring magdala lamang ng valid ID’s sa pagpaparehistro, wika pa ni Bayao.

Sa layuning mabigyan ng pagkakataong makapagrehistro ang mga botante ay nagsagawa ng Satellite Registration ang City Comelec sa lahat ng barangay ng lungsod.

Ito ay upang mas mapadali ang pagpapatala ng mga botante dahil mismong Comelec na ang siyang pupunta sa mga barangay.

Sa mga nagnanais humabol sa Voters Registration, pumunta lamang sa nilipatang opisina ng City Comelec sa JP Laurel Street ng Poblacion na nasa likurang bahagi ng Development Bank of the Philippines.

Kaugnay nito ay nagpaalala din si Bayao sa mga nagnanais kumandidato sa mga local postions na sa October 1- 5, 2018 ang filing of candidacies.

Mangyaring personal na pumunta sa kanilang opisina ang mga kandidato o di kaya ay bumisita sa website ng komisyon sa www.comelec.gov.ph para makapag download ng Certificates of Candidacies o CoC’s.

Bukas ang City Comelec office mula 8am-5pm Lunes hanggang Biyernes kasali na ang Holidays.(CIO/LKOasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio