CITY GOVERNMENT MAGPAPATUPAD NG CARPOOLING PARA MAKATIPID SA GASTUSIN SA GASOLINA

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2022/07/20 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (July 20, 2022) MAGPAPATUPAD na ng ‘Carpooling’ ang City Government of Kidapawan simula sa linggong kasalukuyan.

Layon nito na makatipid sa gastusin sa fuel expenses ang City Government para sa iba’t-ibang mga opisina nito.

Ramdam din ng City Government ang patuloy na tumataas na presyo ng produktong petrolyo kung kaya gumawa ito ng sistema sa tamang paggamit ng mga sasakyan na hindi masasakripisyo ang pagbibigay ng serbisyo, ayon kay ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista.

Dagdag pa nito ang pagnanais ng City Government na mabawasan ang polusyong dulot sa kapaligiran ng mga ginagamit na mga sasakyan.

Ano mang araw ngayong linggong ito ay lalagdaan na ni Mayor Evangelista ang isang Executive Order na mag-uutos na ipatupad ang carpooling sa mga opisina ng City Hall.

Sa ilalim ng direktiba ng alkalde, inaatasan nito ang City Administrator’s Office at ang General Services Office o GSO  na magtalaga ng dalawang sasakyan bilang mga ‘All Purpose Vehicles’ na puwedeng gamitin ng alin mang departmento ng City Hall.

Tanging official travel sa loob at labas ng Kidapawan City ang paggagamitan ng naturang mga sasakyan.

Pwede ring magkasabay na gumamit nito at bumiyahe ang magkaibang mga opisina ng City Government kung saan ay sasagutin na ng Office of the City Mayor ang gastusin sa gasolina.

Bubuo ng angkop na mekanismo ang City Administrator at GSO para sa maayos na sistema ng paggamit ng mga itatalagang sasakyan.

Maliban dito ay pwede ring ipa-carpool ng iba pang departamento ang kanilang mga sasakyan para magamit din ng ibang opisina.

Magbibigay ng P50,000 cash incentive at iba pang pribilehiyo ang City Government sa mga departmentong nagpahiram ng kanilang sasakyan para gamitin sa carpooling system.

Kaugnay nito, ay tiniyak naman ni Mayor Evangelista na hindi masasakripisyo ang pagbibigay serbisyo publiko sa mamamayan ng lungsod ang ipatutupad na carpooling system ng City Government.

Hindi saklaw ng ipatutupad na Carpool EO ang mga ambulansya at emergency response vehicles at heavy equipment ng City Government. (CMO-cio/lkro)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio