CITY GOVERNMENT OF KIDAPAWAN MULING GINAWARAN NG SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE SA IKALIMANG MAGKASUNOD NA TAON

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2022/10/27 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 27, 2022) – NASUNGKIT muli ng City Government of Kidapawan sa limang magkakasunod na taon ang Seal of Good Local Governance o SGLG mula sa Department of the Interior and Local Government o DILG.

Ang naturang seal ay nangangahulugan din ng Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng mga Pamahalaang Lokal at isang prestihiyoso o pinakamataas na Gawad na ibinibigay sa mga natatanging Local Government Units na  nagpakita ng mahusay na performance sa larangan ng serbisyo publiko alinsunod sa mga isinasaad ng Local Government Code at iba pang mga pertinenteng batas. 

“Congratulations sa lahat ng Kidapawenyo. Ang SGLG Award ay para sa inyo” masayang sinabi ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kaugnay sa pinakahuling tagumpay na nakamit ng lungsod.

Hindi naging hadlang ang krisis na idinulot ng COVID19 para mapaglingkuran ng maayos at maipatupad ng City Government ang mga programa at proyekto nito, dagdag pa ng alkalde.

Kaugnay nito, muling nakakuha ng mataas na marka ang City Government of Kidapawan sa mga Core Areas ng SGLG at ito ay ang mga sumusunod: Good Financial Administration and Sustainability, Disaster Preparedness, Social Protection and Sensitivity, Safety, Peace and Order, Business-Friendliness and Competitiveness, Environmental Management at Tourism, Culture, and the Arts.

Pinasalamatan ni Mayor  Evangelista si dating City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd Legislative District Senior Board Member Joseph A. Evangelista sa mahusay na pamumuno nito na nagbigay daan upang muling matanggap ng City Government ang SGLG.

Bagama’t Hall of Famer na sa SGLG Award simula ng manalo noong taong 2017 ay mas hinigitan pa ng City Government ang performance nito sa nabanggit na mga core areas ng Gawad.

Tiniyak ni Mayor Evangelista sa mamamayan ng lungsod na magpapatuloy ang maayos na pamumuno at mahusay na pagbibigay serbisyo publiko para sa lahat.

At bilang SGLG Awardee,  makatatanggap din ng insentibo ang City Government mula sa National Government sa pamamagitan ng Performance Challenge Fund para magamit Naman sa makapagpatupad ng proyekto para sa ika-uunlad ng lungsod.

Ang Kidapawan City at ang Bayan ng Magpet ang tanging mga LGU’s sa lalawigan ng Cotabato na ginawaran mga National Passers ng 2022 SGLG, ayon pa sa DILG.##(CMO-CIO)

#luntiankidapawan



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio