CITY GOVERNMENT OF KIDAPAWAN NAKIKISA SA OBSERBASYON NG 3RD INVESTOR PROTECTION WEEK

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2022/11/08 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (November 8, 2022) – UPANG mapalakas pa ang proteksyon at mapangalagaan ang mga mamamayan laban sa mga mapanlinlang na investment schemes o investment scams, nakikisa ang City Government of Kidapawan sa obserbasyon ng Investor Protection Week mula November, 7-11, 2022.

Sa pangunguna ng Securities and Exchange Commission o SEC ay isinusulong sa nabanggit na mga araw ang mga hakbang para sa kapakanan ng publiko partikular na ang mga investors. Kabilang dito ang pagsusulong ng financial literacy, financial inclusion, at lalo na ang pag-iwas sa mga investment scams

Ang obserbasyon at pagdiriwang ng Investor Protection Week ay sinimulan noong 2019 sa pamamagitan ng Proclamation No. 846 – Declaring the Second Week of November of Every Year as “Investor Protection Week” na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Maliban sa layuning mabigyan ng proteksyon at sapat na kaalaman ang mga investors ay layon din na magkaroon ng nagkakaisang hakbang o direksyon ang iba’t-ibang sektor laban sa fraudulent investments.

Sa ilalim naman ng Title XVII ng Republic Act No. 11232 o Revised Corporation Code Section 179 ay may kapangyarihan ang SEC na tingnan at suriin ang bawat korporasyon o mga representante nito at iba pang indibidwal na nanghihikayat o nag-aalok ng investment opportunities para sa kaligtasan ng publiko.

Kaugnay nito, hinihimok ng SEC ang bawat Local Government Units, government agencies, academe, business, at iba pa na makiisa para mapalakas pa at lalong mapalawak ang mga ginagawang hakbang kaugnay ng pagdiriwang.

Katuwang naman ng SEC sa mga aktibidad ng 3rd Investment Protection Week ang Presidential Communications Operations Office o PCOO na ngayon ay nasa ilalim na ng Office of the Press Secretary. (CIO-jscj//if)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio