City Government pinuri sa paglalagay ng streetlights sa Kidapawan-Magpet National Highway

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2018/12/13 | LKRO


thumb image

PRESS RELEASE

December 13, 2018

City Government pinuri sa paglalagay ng streetlights sa Kidapawan-Magpet National Highway

KIDAPAWAN CITY – PINURI NG SANGGUNIANG BAYAN NG Magpet ang bagong mga streetlights na nilagay ng City Government sa Kidapawan City-Magpet National Highway.

Sa pamamagitan ng Sangguniang Bayan Resolution number 276-2018 na nilagdaan noong November 28, 2018, pinapaabot ng LGU Magpet ang pasasalamat nito kay City Mayor Joseph Evangelista sa paglalagay ng mga pailaw sa lugar.

Ligtas na para sa mga motorista at tumatawid na pedestrians dulot ng streetlights na nilagay ng City Government sa lugar, ayon na rin sa Resolusyon ng SB Magpet.

Hindi lamang taga Kidapawan City ang nakikinabang dito kungdi pati mismong taga Magpet na rin lalo na kapag bumibyahe at napapadaan sa nabanggit na lugar pagsapit ng gabi, wika pa ng konseho ng Magpet.

November 26, 2018 ng sindihan ni Mayor Evangelista at ng Cotelco ang may 135 na LED 110 Watts Streetlights sa lugar mula Crossing Manga hanggang sa Marble Bridge na hangganan ng lungsod sa bayan ng Magpet.

Nagkakahalaga ng mahigit sa P6.7 Million ang proyektong nabanggit na siyang Pet Project ni Mayor Evangelista sa ilalim ng kanyang Public Safety program.

Sa buwan ng Pebrero 2019 ay sisindihan na ng alkalde ang limampu at walong streetlights na magkukonekta naman sa Kidapawan City – M’lang national highway mula Barangay Magsaysay hanggang Junction.

Isasailalim na rin sa public bidding ang mahigit sa P5 Million na streetlight project mula Balindog hanggang sa boundary ng lungsod sa bayan ng Matalam sa barangay Patadon.

Ito ay pinondohan ng Performance Challenge Fund mula sa Seal of Good Local Governance o SGLG na nakamit ng Kidapawan City sa tatlong magkakasunod na taon.##(CIO/LKoasay)

(photo credits to CDRRMO Drone Team)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio