CITY HEALTH OFFICE AKTIBONG MAKIKIISA SA NATIONAL SPECIAL VACCINATION DAY SA ENERO 30, 2023

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/01/26 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 26, 2023) – AKTIBONG lalahok ang City Health Office o CHO ng Kidapawan sa gagawing National Special Vaccination Day sa darating na Enero 30, 2023 na itinakda ng Department of Health o DOH.
Layon ng aktibidad na mabakunahan ang mga indibidwal na hanggang ngayon ay hindi pa kumpleto ang bakuna laban sa COVID-19 at maghkaroon sila ng mas malakas na proteksyon sa naturang sakit.
Magtatalaga din ng abot sa anim na vaccination sites kabilang ang CHO at DepEd at iba’t-ibang barangay upang mapagsilbihan ang mas malaking bilang ng mga mamamayan, ayon kay Evelyn Cari, ang National Immunization Program Coordinator ng Kidapawan kung saan naka-cluster ang mga magkakalapit na mga barangay.
Kabilang dito ang Barangay Balabag (clustered with Meohao, Ginatilan, Ilomavis, Mua-an, at Birada), Barangay Sudapin (clustered with Manongol, Nuangan, Luvimin, at Indangan), Barangay Patadon (clustered with Amas, Malinan, Binoligan, at Paco), barangay Macebolig (clustered with Sumbac, Onica, at Amazion), City Health Office (clustered Balindog, Lanao, Kalasuyan, Poblacion, Singao, at Magsaysay), at ang DepEd (Kidapawan City Pilot Elementary School).
Pangangasiwaan ng mga vaccination teams ang special vaccination day na binubuo ng mga screeners, vaccinators, recorders, post monitoring, at encoders para tiyakin ang maayos na takbo ng bakuna.
Target na mabigyan ng COVID-19 vaccine ang mga residente ng iba’t-ibang barangay partikular na ang booster shots (3rd and 4th dose) at kumpletuhin ang kanilang COVID-19 shots patra na rin sa kanilang kaligtasan.
Kaugnay nito, nananawagan si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista sa mga mamamayan (general eligible population) na samantalahin ang naturang pagkakataon upang maturukan at makumpleto ang kanilang dosage ng kanilang COVID-19 vaccine.
Magbibigay naman ang City Government of Kidapawan ng ayuda o cash assistance na P200 para sa bawat indibidwal na magpapabakuna sa nabanggit na petsa bilang incentive na rin para sa mga magpapabakuna. (CIO-jscj//if)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio