Diskwento at pribilehiyo ng senior citizens dapat sundin ng mga tindahan – City Gov’t

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2018/10/04 | LKRO


thumb image

October 1, 2018

HINIKAYAT NI City Mayor Joseph Evangelista ang lahat ng mga business establishments na sundin ang mga nilalaman ng RA 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act for 2010.

May mangilan ngilan kasing mga tindahan na hindi nagbibigay ng nararapat na diskwento at pribilehiyo sa mga senior citizens tuwing bibili na nakarating sa kaalaman ng alkalde.

Sa ilalim ng batas, may 20% discount at exemption sa Value Added tax ang mga nakakatanda sa mga produkto gaya ng gamot; health care services; pamasahe; hotel at kainan; sinehan; at funeral services.

Kasali rin ang exemption sa pagbabayad ng individual income taxes lalo na yaong mga nakakatanda na minimum wage earners.

Five percent din na diskwento ang dapat ibigay sa mga senior citizens sa bayarin sa kuryente na hindi lalagpas sa 100 kw ang konsumo kada buwan at tubig na hindi rin lalagpas sa 30 cubic meters monthly consumption.

Kaugnay nito, mangunguna naman ang komitiba ng Senior Citizens ng Sangguniang Panlungsod sa ilalim ni City Councilor Goyong Lonzaga sa isang public hearing patungkol sa ordinansa sa pagbuo ng Senior Citizens Code of Kidapawan City.

Layun ng ordinansa na obligahin ang lahat ng business establishments sa lungsod na sundin ang RA 9994 at makapagbigay ng dagdag pang benepisyo para sa mga senior citizens.

Naka schedule ang Public Hearing sa pinaplanong Senior Citizens Code sa October 16, 2018 sa DepEd Convention Hall.

Patuloy naman ang suporta ng City Government sa mga Senior Citizens lalo na at ipinagdiriwang nila ang Philippine Elderly Week simula October 1-5, 2018. (CIO/LKOasay)

Photo Caption- SR. CITIZENS WEEK IPINAGDIRIWANG SA KIDAPAWAN CITY AT SA BUONG BANSA: Ipinagbigay alam ni Federation of Senior Citizens Association Kidapawan City President Adelaida Letada ang mga nakalinyang aktibidad sa Elderly Week Celebration ngayong October 1-5, 2018. Nagsimula ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Banal na Misa na pinangunahan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, DD, sa City Gymnasium.(CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio