Hapsay Pasada contest hindi ni-reject ni Mayor Evangelista 

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2019/01/28 | LKRO


thumb image

PRESS RELEASE
January 28, 2019
Hapsay Pasada contest hindi ni-reject ni Mayor Evangelista
KIDAPAWAN CITY – IPINASA SA FKITA AT HINDI NI-REJECT ni City Mayor Joseph Evangelista ang panukalang Hapsay Pasada ng CTFRB.
Reaksyon ito ni Mayor Evangelista sa sinabi ni City vice Mayor Jun Piñol na umano ay hindi niya pinayagan ang pagpapatupad ng pacontest.
Ayon pa sa alkalde, maling-mali ang sinasabi ni VM Piñol dahil ipinasa niya sa Federation of Kidapawan Integrated Tricycle Associations ang Hapsay Pasada na pa contest dahil ito ang siyang kinikilalang lehitimong samahan ng mga tricycle sa lungsod.
Isa kasi ang Hapsay Pasada sa mga patimpalak na tampok sa ika 21st Charter Day ng Lungsod sa susunod na buwan.
Ginawa niya ito bilang ‘pagrespeto at pagkilala’ sa FKITA bilang lehitimong samahan ng mga nagmamay-ari at tsuper ng tricycle.
Wika pa ni Mayor Evangelista, mas mainam na sa FKITA na ipapasa ang pa contest dahil mga miyembro naman nila ang direktang makikinabang dito.
Mas praktikal, ayon pa sa alkalde na paghatian nalang ng mga mananalong entries ang gantimpala imbes na ibigay sa iilang mananalong units lalo pa at lubhang magastos sa mga operator ang paglalagay ng palamuti at pagpapaganda ng kanilang tricycle.
Pinuna din ni Mayor Evangelista ang sinabi ni VM Piñol na walang impluwensya ang FKITA sa kaunlaran ng Kidapawan City.
Malaki ang naiambag ng FKITA sa pagpapaunlad ng lungsod dahil nagampanan naman nito ang kanilang pagbibigay ng kaaya-ayang public transport sa mamamayan, wika pa ni Mayor Evangelista.
Sa usapin naman ng pagdidisiplina sa ilang nagkamaling mga driver, nariyan naman ang CTFRB at TMU upang duminig sa mga reklamo.
Hindi rin dumadalo ang bise alkalde sa mga meeting ng FKITA kaya hindi niya alam ang mga tunay na saloobin at suliranin ng mga driver, wika pa ng alkalde.
Nasa ilalim ng opisina ni Piñol ang CTFRB, paglilinaw ni Mayor Evangelista. .##(CIO/LKOasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio