Indigent Senior Citizens ikinatuwa ang bagong sistema sa pamimigay ng social pension

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2018/11/08 | LKRO


thumb image

IKINATUWA NG mga mahihirap na senior citizens ang pangakong tinupad ni City Mayor Joseph Evangelista na ibibigay at iaabot niya mismo sa barangay ang kanilang social pension.

Simula November 5, ibinigay na ng City Government ang ayudang pinansyal ng mga nakakatanda sa mga barangay ng lungsod.

Tinupad ng alkalde ang kanyang pinangakong ibibigay ang social pension sa mga barangay na mismo sa pagdiriwang ng Filipino Elderly Week noong October 2018.

Mas maiging gawin ito ng hindi na mahihirapan pang pumunta sa sentro ng Kidapawan City ang mahigit sa walong libong senior citizens na benepisyaryo ng programa, wika pa noon ni Mayor Evangelista.

Welcome development ito sa mga nakakatanda dahil hindi lamang sa mas madali na nilang matatanggap ang kanilang social pension kungdi mas secured pa sila sa pagtanggap nito.

Pinasalamatan nila si Mayor Evangelista sa pagtupad sa kanyang pinangako na masegurong mas mapapadali na lang ang pagtanggap ng kanilang social pension.

Tumanggap na tig P1,500 o P500 kada buwan mula Oktubre-Disyembre ang bawat senior citizen.

Sila yaong mga walang tinatanggap na regular pension gaya na lamang ng GSIS o SSS.

Nagmula ang pondo sa DSWD na dinownload sa City Government.(cio/lkoasay)

Photo Caption – PAGBIBIGAY NG SOCIAL PENSION MAS PINADALI NA NG CITY GOVERNMENT: Simula November 5, 2018, ibinibigay na ng City Government ang social pension ng mga mahihirap na Senior Citizens sa kani-kanilang mga barangay.Ito ay upang mas madali na lang para sa mga nakakatanda na tanggapin ang kani-kanilang ayuda ng hindi na kinakailangan pang pumunta sa sentro ng lungsod.(CIO Photo)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio