MAHIGIT ISA’T KALAHATING KILOMETRONG ROAD CONCRETING PROJECT ILALAGAK NG CITY GOVERNMENT SA BARANGAY SUDAPIN NG LUNGSOD

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2024/01/25 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (January 25, 2024) – Isinagawa ngayong araw ng Huwebes, January 25, ang Groundbreaking ng Road Concreting Project sa Barangay Sudapin ng lungsod.

Nagkakahalaga ng mahigit P13 Million (P13,034,000) sa isa’t kalahating kilometro (1,658.6 meters) na proyekto na magkukonekta sa Estaňol Subdivision – KCRP Habitat at Barangay Sudapin.

Isa lamang sa nabanggit ang mga kahalintulad na proyekto na ilalagak ng City Government na magbibigay benepisyo sa mamamayan at kaunlaran sa mga barangay ng lungsod, ayon pa kay City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista.

Ipinaabot naman ni Punong Barangay Jon Karl T. Sibug ang pasasalamat ng kanyang mga constituents sa City Government sa paglalagak ng naturang road concreting project sa kanilang lugar.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio