Member consumers ng COTELCO sa lungsod mabibigyang muli ng electric subsidy

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2018/11/27 | LKRO


thumb image

PRESS RELEASE
November 27, 2018
Member consumers ng COTELCO sa lungsod mabibigyang muli ng electric subsidy
KIDAPAWAN CITY – MAGANDANG BALITA PARA sa mga COTELCO member consumers ng Kidapawan City.
Ibabawas na sa billing para sa buwan ng December 2018 ang babayaran sa Cotabato Electric Cooperative ang subsidy para sa tinatayang 29,000 households sa lungsod.
Inanunsyo ni City Mayor Joseph Evangelista ang naturang development sa unang araw ng serye ng kanyang consultations sa mga purok leaders ng Poblacion Kidapawan City November 27, 2018.
Nagmula ang subsidy sa share ng Kidapawan City mula sa Energy Development Corporation sa pagpapatakbo nito ng Mt. Apo Geothermal Plant.
Huling nagbigay ng electric subsidy ang City Government noon pang 2015.
Cash itong ibinigay noong mga panahong iyon, ayon pa kay Mayor Evangelista.
Otomatikong ibabawas na ang bagong electric subsidy sa December bill ng bawat member consumer na kanyang babayaran sa COTELCO sa January 2019, paliwanag pa ng alkalde.
Ginawa ito upang hindi na maabala pa ang bawat member consumer ng COTELCO sa Kidapawan City.
Mula 2015-2017 ang sakop ng electric subsidy.
P340.75 ang mababawas sa electric bill ng member consumer kung siya ay miyembro na ng COTELCO sa taong 2015 pababa.
P222.53 Naman ang itatapyas sa COTELCO bill kung 2016 nagpakabit ng linya ng kuryente at P93 naman kung 2017 na naging miyembro ng COTELCO.
Ang halaga ng electric subsidy ay nakadepende sa kung ilang buwan na aktibo ang electric connection ng isang consumer.
Tumaas ng pitong libong households ang bilang ng nakabitan ng linya ng kuryente sa lungsod mula 2015.
Nakatulong ang National Intensified Household Electrification – NIHE Project kung saan ay nagkaroon ng linya ng kuryente yaong mga tahanan sa mga malalayong lugar sa mga barangay ng Kidapawan City.##(CIO/LKOasay)

Photo Caption – PUROK CONSULTATION NI MAYOR EVANGELISTA: Masayang kinakausap ni City Mayor Joseph Evangelista ang ilang purok leaders ng Brgy Poblacion na dumalo sa consulation ng alkalde November 27, 2018.Inanusnyo i Myor Evangelista sa aktibidad na ito ang pamimigay ng electric subsidy sa lahat ng members consumers ng COTELCO sa Kidapawan City.Ibabawas ang subsidy sa December 2018 bill ng bawat member.(CIO Photo)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio