MGA ELECTRIC METERS SA MEGA MARKET SUMASAILALIM SA CALIBRATION

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/01/27 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 26, 2023) – SUMASAILALIM ngayon sa calibration ang mga electric meter o metro ng kuryente ng mga stalls sa Kidapawan City Mega Market.
Ito ay makaraang ipinas-utos ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang pagsasaayos ng lahat ng electric meters ng mga tindahan o puwesto sa mega market partikular na ang Building 1, 2, 3, at Building 4 ganundin ang iba pang mga tindahan sa loob ng palengke.
Mahalaga na sumailalim sa checking at calibration ang nabanggit na mga metro ng kuryente uopang matiyak na gumagana at maayos ang mga ito at masiguro na tama ang reading ng electric consumption ng bawat stall.
Ayon kay Isidro Daplinan ng Economic Enterprise Management Office at Electrical In-charge sa palengke, mahalaga ang calibration upang matiyak na tama ang binabayarang konsumo ng bawat stall owner sa pamamagitan ng accurate o eksaktong metro at hindi na kailangan pang magbayad ng sobra o magtapal ang Market Administration o ang City Government of Kidapawan dahil sa mga maling reading ng electric consumption.

Kaugnay nito, patuloy ang isang team mula sa Cotabato Electric Cooperative, Inc o COTELCO na pinamumunuan ni Alfredo Jaum, Jr., Street Lights Analyst sa pagkuha ng mga metro ng kuryente kasabay ang paliwanag na kailangan itong gawin para na rin sa ikabubuti ng mga konsumidores. Kapag tama ang reading, natural lamang na tama din ang lbabayad ng mga stall owners.

Hindi naman matagal ang pagtanggal ng mga metro ng kuryente at ang may-ari na mismo ng tindahan ang personal na magdadala ng electric meter sa COTELCO Branch na matatagpuan sa Padilla Street, Barangay Poblacion, Kidapawan City. Magbabayad naman sila ng halagang P112 para sa calibration fee at pagkatapos nito ay ibabalik na ng COTELCO linemen ang electric meter sa kanya-kanyang puwesto o tindahan.

Samantala, abala naman ang mga personnel ng COTELCO sa pagsasagawa ng calibration at tinitiyak na pagkatapos ng proseso ay magiging accurate o eksakto na ang reading ng mga metro. Si Engr. Roland Lago, Head of Metering and Streetlighting Services ng COTELCO ang nanguna sa pagsasagawa nito, marami na ring mga metro ang kanilang naisaayos at meron din namang mga unit na kailangan na talagang palitan o subject for replacement pero wala na silang kailangan bayaran pa.
Sa normal na sitwasyon, kailangan matingnan o ma check ang mga metro ng kuryente kada dalawang taon at kailangang sumailalim sa calibration. Ito ay para makasiguro na maayos na gumagana ang mga electric meters ng sa ganon ay hindi na mag-aalala pa ang mga stall owners o ang mismong Market Administration sa hindi tamang computation ng electric bill.
Para sa Luntian Kidapawan Reports, ako si Jimmy Sta Cruz ng City Information Office, nag-uulat.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio