MGA TAX PAYERS NAGPASALAMAT SA MAHUSAY NA SERBISYO NG ELECTRONIC – BOSS

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/01/10 | LKRO


thumb image

Nasa ikatlong araw na ngayon ang pagsasagawa ng Electronic Business One-Stop-Shop o Electronic BOSS SA Mega Market ng lungsod partikular sa Old Terminal kung saan naroroon ang mga lamesa ng iba’t-ibang tanggapan ng City Government of Kidapawan na nangangasiwa sa application o renewal ng business permit.
Layon ng Electronic -BOSS sa Mega Market na mabigyan ng prayoridad ang mga business establishments sa Mega Market ganundin ang mga nasa sa Overland Terminal ng Kidapawan, at mas mapabilis ang proseso sa pagkuha ng kanilang business permit, ayon kay City Treasurer Redentor Real.
Meron mga sinusunod na hakbang o steps sa pagproseso ng business permit kung saan nakahanda ang mga personnel o mga in-charge na asikasuhin ang mga pangangailangan ng mga business owners o kanilang mga representante.
Tiniyak din ng mga personnel na magiging matiwasay ang takbo ng mga papeles lalo na kung kumpleto ang mga kailangang ipakita o iprisinta sa pagkuha o renew ng business permit.
Isa naman si Ginang Rose S. Alqueza ng Mega Market Building 2 Stall No. 48 and 95 sa mga maagang nagtungo sa Old Terminal at natuwa sa maayos at mahusay na takbo ng renewal ng kanyang business permit.
Nanawagan din siya sa iba pang stall owners na magtungo na rin sa Electronic – BOSS sa Old Terminal at samantalahin ang panahon para sa mabilis na proseso ng kanilang business permit.
Maliban naman sa application at renewal ng business permit ay maaari ring kumuha ng Residence Certificate o sedula at magbayad ng Real Property Taxes ang mga kliyente o ang mga mamamayan.
Wala naman dapat ikabahala ang mga kukuha o magre-renew ng kanilang business permits pagdating sa seguridad dahil maliban sa Civil Security Unit o CSU ay nagro-roving din ang K-9 personnel ng Kidapawan City Police Station para tiyakin ang kaligtasan ng mga tax payers.
Magtatagal naman ang Electronic BOSS sa Mega Market hanggang Enero 20, 2023.
Para sa Luntian Kidapawan Reports ako si Jimmy Sta Cruz, mula sa City Information Office nag-uulat.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio