Pag- iingat kontra terorismo pinananawagan ng City Government

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2018/09/06 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – DAPAT MAG-INGAT KONTRA TERORISMO.

Panibagong panawagan ito ng City Government sa banta ng Improvised Explosive Device o IED attacks na posibleng mangyari sa lungsod.

Resulta ng muling pambobomba sa Isulan Sultan Kudarat gabi ng September 2 ang panawagan ni City Mayor Joseph Evangelista sa lahat na mag-ingat hindi lamang sa banta ng IED attacks kungdi laban na rin sa kriminalidad at karahasan.

Magsisimulang mag-iikot ang City Government sa iba�t-ibang lugar sa lungsod September 4 upang ipanawagan sa lahat ang ibayong pag-iingat.

Kung may kahinahinalang bag na basta lang iniiwan sa matataong lugar o di kaya ay may presensya ng mga kahinahilang mga indibidwal ay dapat ipagbigay agad sa mga kinauukulan.

Payo rin na makipag-cooperate ang lahat sa mga isasagawang check points ng mga otoridad.

Responsibilidad ng bawat isa na maging mapagmatyag para na rin sa kaligtasan ng kanilang sarili at mga mahal sa buhay, wika pa ni Mayor Evangelista. (CIO./LKoasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio