PLANO NG CITY GOVERNMENT OF KIDAPAWAN NA MAGPATUPAD NG VACCINATION CENSUS SUPORTADO NG BUSINESS SECTOR

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2021/11/02 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – SUPORTADO ng sektor ng mga negosyante ang isasagawang ‘census’ ng City Government of Kidapawan sa mga nabakunahan at hindi pa nababakunahan kontra Covid19.

Layun ng census na malaman ang bilang ng mga nabakunahan at hindi pa nababakunahan kontra Covid19 sa lungsod, ayon kay City Mayor Joseph Evangelista.

Napagkasunduan ng mga nagmamay-ari ng mga negosyo na suportahan ang hakbang ni Mayor Evangelista na magpatupad ng census sa mga tindahan at mga papasok sa establisimiyento sa kanilang meeting ngayong umaga ng November 2, 2021.

Target ng City Government na mabakunahan ang abot sa 70% ng populasyon ng Kidapawan City bago matapos ang 2021 para makamit ang herd immunity at makatanggap na rin ng booster shots mula sa National Government bilang dagdag- proteksyon laban sa sakit.

Ipatutupad naman ang census sa pamamagitan  ng mga security guards o compliance officer para sa lahat ng papasok sa mga tindahan, palengke, simbahan at maging sa mga border ng lungsod kung sila ba ay nabakunahan na o hindi pa.

Sa pamamagitan ng census ay mas tiyak ang proteksyon ang mga mamamayan laban sa Covid.

Nilinaw naman ni Mayor Evangelista na hindi pa ipatutupad ang No Vaccine No Entry sa lungsod.

Mangagaling pa rin sa National inter Agency Task Force on Covid19 ang pagpapatupad nito, dagdag pa ng alkalde.##(CIO/LKRO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio