PRC Mobile Services ipagpapaliban muna

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2018/09/06 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – IPAGPAPALIBAN MUNA NG PROFESSIONAL REGULATIONS COMMISSION ANG MOBILE SERVICES NITO SA LUNGSOD.

September 3, 2018 ng ipagbigay alam ng komisyon ang ‘deferment�ng operations nito kay City Mayor Joseph Evangelista sa pamamagitan ng liham ni Commissioner Yolanda Reyes.

Paliwanag pa ng PRC sa alkalde na kailangan muna nitong resolbahin ang usapin patungkol sa pagpapatawag sa kanilang opisina ng Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato.

Matatandaang ipinatawag ng SP Cotabato ang PRC upang magbigay liwanag sa pagpapatupad ng kanilang sistema patungkol sa pagpo-proseso ng mga applications at renewal ng PRC licenses.

Ayon pa sa PRC, natanggap nila ang liham July 23 o dalawang linggo matapos ang kanilang Mobile Services sa Kidapawan City noong pang July 1-9, 2018.

Isa pa, hindi rin masasagot ng kanilang kinatawan ang ano mang pagtatanong ng SP Cotabato lalo pa at hanggang sa mobile services lamang ang kanyang otorisasyon.

Sinabi din ng PRC na hindi sila under jurisdiction ng SP Cotabato dahil ang kanilang mobile services ay pagbibigay kahilingan sa request ng City Government na gawin ito sa Kidapawan City.

Ipagbibigay alam naman ng PRC sa City Government kung kailan muling isasagawa ang mobile services sa lungsod.(CIO/LKOasay)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio