Project Angel Tree muling inilunsad ng City Government

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2018/10/26 | LKRO


thumb image

MULING INILUNSAD ng City Government ang taunang Angel Tree Program October 24, 2018.

Layun nito na tuparin ang kahilingan at mabigyan ng regalong pamasko ang ilang mahihirap na kabataan mula sa iba’t-ibang lugar sa lungsod.

Isusulat ng mga bata sa munting pirasong papel ang kahilingang pamasko at sabay-sabay na isasabit sa Angel Tree na nakalagay sa lobby ng City Hall.

Saka ito ibibigay ni City Mayor Joseph Evangelista at mga partners sa programa.

Ibibigay ng alkalde at kanyang partners ang mga hinihiling na regalo ng mga bata sa December 23, 2018, ayon na rin kay Ms. Aida Labina na Focal Person ng programa.

Dumaan muna sa masusing evaluation at pagkikilala ang mga mahihirap na bata na karapat-dapat na mabigyan ng regalo, dagdag pa ni Labina.

Kapartner ng City Government sa Angel Tree program ang mga business establishments sa Kidapawan City.

Ang project Angel Tree ay isa lamang sa tampok na aktibidad sa taunang Christmas Festival ng lungsod sa panahon ng Kapaskuhan. (CIO/LKOasay)

Photo Caption – CHRISTMAS WISH: Isa lamang si Nor Juhana Dumrang sa mga mahihirap na batang nagsabit ng kanilang kahilingang regalo pagsapit ng pasko sa Angel Tree ng City Government. Layun ng Angel Tree na tuparin ng City Government ang hiling at bigyang regalong pamasko ang mga mahihirap na mga bata sa Kidapawan City.(CIO Photo)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio