SAVINGS GROUP BINUO PARA SA MGA PUNONG BARANGAY NG KIDAPAWAN CITY

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2024/02/15 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY ( February 9, 2024) – MAGKAKAROON na rin ng kanilang Savings Group ang mga Punong Barangay ng Lungsod.

Nais ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista na ipatupad ang programang ito sa hanay ng apatnapung mga punong barangay.

Una ng ipinatupad ang Savings Group sa mga opisyal at kawani ng City Government noong nakalipas na taon sa tulong ng Advancing the People’s Organization of Kidapawan through Innovations and Development of Social capital o APOKIDS.

Makakatulong ang Savings Group na may pagkukunan ang mga miyembro ng pera kung sakaling sila o ang kapamilya nila ay magkasakit o sa panahon ng pangangailangan.

Ang kanilang inilalagak na ipon at social fund bawat buwan ay kanila ring makukuha pagkatapos ng isang cycle (9-12 months).

Ipinaliwanag ng mga kasapi ng APOKIDS ang sistema ng pagpapatakbo ng Savings Group sa orientation na ginanap sa City Convention Center kahapon, February 9.

Kaugnay nito, ay muling ipatutupad ang Savings Group sa mga opisyal at kawani ng City Government ngayong 2024.



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio