SPES REGISTRATION NAGSIMULA NA, PAGDAGSA NG MGA APLIKANTE INAASAHAN

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2023/01/09 | LKRO


thumb image

Sinimulan na ngayong araw na ito ng Lunes, Enero 9, 2023 ang registration ng Special Program for the Employment of Students o SPES sa Lungsod ng Kidapawan.
Ang Public Employment Service Office o PESO Kidapawan ang nangangasiwa ng SPES registration sa PESO office, Pavilion, Kidapawan City na magtatagal hanggang Abril 21, 2023.
Ayon kay Public Service Officer III at PESO Manager Herminia Infanta, layon ng SPES na matulungan ang mga mahihirap o poor but deserving students – Grade 12, college students at maging ang mga out of school youth na 18-30 years old na residente ng Kidapawan City na magtrabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa loob ng halos dalawang buwan.
Nakapaloob ito sa Republic Act No. 7323 – An Act to Help Poor but Deserving Students Pursue their Education by Encouraging Their Employment during Summer and/or Christmas Vacation at may kaukulang sweldo mula sa Department of Labor and Employment o DOLE at counterpart mula sa Local Government Unit tulad ng LGU Kidapawan.
Bilang SPES worker ay tatanggap sila ng minimum wage o higit pa bilang kaukulang sweldo.
Kaugnay nito, magbubukas ang tanggapan ng PESO mula alas otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, Lunes hanggang Biyernes mula January 9, hanggang April 21, 2023 upang tumanggap ng mga aplikasyon ng SPES.
Hinihikayat ng PESO ang mga interesadong mag-aaral at OSY na magtungo na sa kanilang tanggapan at magpatala na bilang aplikante ng SPES at antayin ang schedule o takdang araw ng kanilang examination sa Mayo 14, 2023 kung saan magiging basehan ito kung matatanggap ba o hindi ang isang aplikante para sa SPES. (CIO-jscj//if/nl)




@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio