NEWS | 2021/07/07 | LKRO
Turn over ng 4 na bagong ambulances at 1 refrigerated van magpapalakas ng Covid-19 emergency response at support to agriculture – ayon kay Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista
KIDAPAWAN CITY (July 7, 2021) – Mas lalakas pa ang Covid-19 emergency response ganundin ang support to farmers sa Lungsod ng Kidapawan ngayong meron ng karagdagang apat na bagong ambulances at isang refrigerated van ang City Government.
Ito ang masayang pahayag ni Mayor Joseph A. Evangelista sa ginanap na blessing and turn-over ng naturang mga sasakyan sa City Hall lobby ngayong umaga na dinaluhan din nina City Councilors Maritess Malaluan, Chairperson ng SP Kidapawan Committee on Health, Galen Ray Lonzaga, Aljo Cris Dizon, ABC Kidapawan Pres. Morgan Melodias, Kidapawan City Hospital (KCH) Chief Dr. Hamir Hechanova, City Epidemiology Surveillance Unit Operations (CESU) Head Dr. Nerissa Paalan, CDRRM Officer Psalmer Bernalte, Fr. Desiderio “Jun” Balatero, DCK na siyang nanguna sa panalanagin at blessing sa nabanggit na mga sasakyan, mga department heads, at iba pa.
“Ako ay natutuwa sa magandang development na ito kung saan mapapalakas natin ang ating pagresponde sa pandemiya ng Covid-19 at matututukan din ang suporta para sa ating mga farmers”, sinabi ni Mayor Evangelista.
Dalawa sa mga bagong ambulances ang gagamitin sa Covid-19 response sa pangunguna ng CESU, dalawa naman ay mapupunta sa CDRRMO para sa emergency response habang ang bagong refrigerated van ay gagamitin ng Office of the City Agriculture para mapanatiling presko ang mga produktong gulay mula sa mga barangay.
Maliban rito, maaari ring gamitin ang refrigerated van bilang storage ng bakuna o mga Covid-19 vaccines.
Nagkakahalaga ng P7M ang nabanggit na mga ambulansiya at mula ito sa 70% Local Disaster Risk Reduction Management Fund o LDRRMF habang ang refrigerated van ay nagkakahalaga ng P4.5M at mula naman sa 20% Economic Development Fund o EDF ng lungsod.
Kaugnay nito, sinabi ni Mayor Evangelista na patuloy ang City Government of Kidapawan sa pagpapatupad ng mga programa para sa ikabubuti ng mga mamamayan kasabay ang panawagan na panatilihing ligtas ang mga sarili laban sa Covid-19 sa pamamagitan ng pagsunod sa mga minimum health protocols. (CIO/JSCJ)
#labankidapawan
#wehealasone